Pagkatapos ng ABNKKBSNPLAKO, Bakit Baligtad Magbasa ang Mga Pilipino, Alamat ng Gubat,Ang Paboritong Libro Ni Hudas,Stainless Longganisa, MacArthur at Kapitan Sino. Mukhang nakuha nga ni Bob Ong ang kiliti, interes, atensyon, at hilig ng mga masusugid niyang mambabasa, oo isa na ako dun lahat ng aklat niya nabasa ko na.
Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan ang pinaka latest niyang aklat na makikita mo sa mga bookstore at sa suki mong tindahan sa kanto nyahaha. Nalaman ko lang na may bago na pala siyang aklat ng minsang mag exchange gift kami sa clinic at ang bagong librong iyun nga ang natanggap ni Seksing Nurse. Ng makita ko iyon ako agad ang nag prisinta na susunod na sa babasa sa aklat.
Bob Ong’s first ever horror will also be the first ever Filipino book to have a nationwide simultaneous release. It’s also the author’s first first-person narrative in fiction and Visprint’s first use of creambook paper in its publications. Lots of firsts here. Be first yourself as you witness history this Bonifacio Day 2010! – visprintpub.blogspot.com
huwag mong bibigkasin ang hindi...
Ha ano daw? Bakit? Ah alam ko na... Siguro... Kasi... Baka... ang dami agad pumasok sa isip namin kung ano ang ibig sabihin ni BO sa kanyang paunang salita..
Pamilyar ka ba sa Journal? dito inilahad kung paano naging bahagi ng buhay ni Galo ang pag jo-journal. Kahit ako nakapag journal na nung Elementary at HS pa ako.
Nakapaloob sa journal ni Galo ang mga nangyayari sa kanyang buhay lahat ng hinaing niya sa buhay, problema sa tinitirahan, problema sa pera, frustrations at buhay pag ibig na nawasak. At sa kabila ng kanyang pag sulat sa kanyang journal ay ni minsan ay mukhang hindi binabasa ng kanyang professor ang kanyang mga gawa! Bad trip!
Si Galo ay isang college student na nagmula sa probinsiya at nag aral sa Maynila, hindi buo ang pamilya at nakikitira sa kanyang Tiyahin sa Maynila na medyo hawig sa ilan sa mga mamayan natin na wasak ang pamilya at nakikitira lang sa mga kamag-anak.
Sabi ng iba nakakabagot o nakakainip daw ang ibang parte ng aklat, pero para saakin honestly HINDI, hindi ako nabagot, nainip o nawalan ng gana habang binabasa ko ang aklat ni BO kahit sa mga unang pahina palang ang nababasako.
Halos kalahatian na ng libro wala paring MAMA SUSAN na ipinapakilala at asan ang tinutukoy na MGA KAIBIGAN NI MAMA SUSAN?
Umuwi pabalik ng probinsya si Galo sa kadahilanang may dinaramdam ang kanyang LOLA. Ng makarating si Galo sa probinsya halatang manghang mangha siya sa mga nakita nya sa bahay na kung saan halatang na preserve ng mabuti ang bahay kahit luma na maliban sa mangilan ngilan na mahirap ng ibalik sa dating anyo.
Nasaksihan ni Galo ang mga kakaiba at wirdong pangyayari sa loob ng bahay ni LOLA, mula sa mga pigurang nakakataas ng balahibo, ingay o tunog na kung saan nanggagaling, at MGA KAIBIGAN na hindi maipaliwanag ang mga ginagawa nilang kakaibang ritwal.
Asan si MAMA SUSAN? SINO SI LOLA? SINO ang MGA KAIBIGAN NA TINTUKOY? Ano ang ibig sabihin ng mga katagang....
huwag mong bibigkasin ang hindi...
Ayaw kong maging spoiler sa mga hindi pa nakakabasa, pero mukhang may pag ka spoiler ang post kong ito sorry mga bro. Sa palagay ko kung susuriin ito ng aking utak na puro sapot ng gagamba, horror-suspense, horro-fiction, creepy ang book bro, ipinakita dito ang ilang aspeto ng buhay natin mula sa relihiyon, gobyerno at pananaw sa buhay.
