Showing posts with label Family. Show all posts
Showing posts with label Family. Show all posts

Tuesday, July 10, 2012

A Piece Of Paper

               Its been 10 months since I left Philippines to have a greener pasture and to save and prepare for my future family if God's will.  It's hard being away from the family especially when it is your first time going abroad and if you re not strong enough for sure you will struck by what they called "homesick".

               When I heard that my cousin here in Riyadh will go back home in the Philippines to have his yearly vacation and he ask me if there is any presents that I want to send back home, I bought some chocolates, chocolates and chocolates :)  And of course I ask them to send something for me in return when my cousin come here again.

               One month had passed, my cousin came back fresh from the Philippines.  And he phoned me to tell that he is already here and my family has given "pasalubong" for me, because of busy schedule for both of us 2 weeks had passed until me and my cousin met.  And handed the "pasalubong" for me.

               Let me share you this "pasalubong" given to me by my Mom. 

  • Pancit Canton maybe my Mom didn't know that there is also Lucky Me Pancit Canton here ;)
  • Bawang na Bawang come on' I never imagine that my mom will send me this, but I found out that my Cousin put that in the bag. ;)
  • Gatsby Wax my Mom wants to be sure that I am still well groomed " Sabi ng Mommy ko gwapo daw ako, at pinaniniwalaan ko yun nyahaha, siya lang kakampi ko wag na kayong kumontra pls pls pls" nyahahaha.
  • Peanut Butter my Mom knows that of all the spread, Peanut Butter is my one and only favorite, specially if it's home made Peanut Butter.
  • Boxer Brief this really made me realized that Mother's know best everything, my Mom knows that I don't wear brief and that I prefer Boxer Brief of Boxer Shorts, and for that Mom you deserve a big kiss and hug ;)


               I really feel like I'm in the Philippines again after seeing this Dried Fishes wooooaaaah.  My Mom deserve my high five ;)




              This piece of paper really made my tears come down in my face, seriously guys.  I never imagine that my Mom will write a letter for me, those pasalubong is really enough for me to know that they care and love me, but this letter moves my heart and gave me strength that I needed in my stay here knowing that they are miles away from me.

            To Our Dearest Donnie,
                    With love and prayers we wish to greet you in the name of Dear Lord Jesus Christ who is the same today, yesterday, and forever Amen!
                    Nagpadala ako kay Elton ng 1 peanut butter, tuyo at dilis, mayroon din si Elton nito.  Bumuli din ako ng 2 boxer brief at 1 gatsby.  Hope you like them.
                  Ingat always at lagi kang makikipagusap kay Lord upang lagi ka nyang gabayan at pagpalain
                 Remember, we love you and we miss you so much.                                                                                                                                                                                                                                                                               Love, Mommy


Family is a place where everyone loves you no matter what, and they accept you for who you are.

Thursday, February 9, 2012

Judging a person doesn't define who they are. It defines who you are.




               Naka upo ako sa isang waiting area sa Ospital habang nag hihintay na matawag ang pangalan ko para mag pa check up ng mata. Madaming tao akong nakikita, palakad lakad, tatayo, uupo, nag babasa ng dyaryo , umiinom ng kape, nag kakalikot ng celllphone, may nagkukuwentuhan, nag tatawanan at may nag iisa lang (madalas akong mag isa sa lahat ng lakad) hindi dahil sa wala akong kaibigan, mas gusto ko lang talagang mag isa madalas.

               Ilang beses na ba tayong na husgahan ng ibang tao dahil sa uri ng ating pananamit, pagsasalita, kilos at direksyon sa buhay, sa musika na pinapakinggan mo,kung anong hitsura mo, kung paano ka makitungo sa ibang tao, kung sino ang mag sinasamahan mong grupo ng tao sa bagay ganun din naman tayo madali nating husgahan ang isang tao batay sa nakikita lamang natin.

               Masakit mahusgahan ka ng ibang tao batay lamang sa kanilang pamantayan, at sigurado eto ang sasabihin mo "OK lang di naman totoo" pero deep in side masakit parin ang mahusgahan ng hindi totoo, apektado ka parin kahit papaano.


               Sinasabi sayo ng mga tao na maging totoo ka "be yourself" pero sa kabila ng pagpapakatotoo mo huhusgahan ka naman nila napaka ironic.  Kahit ako mismo dumadating sa puntong nanghuhusga ng isang tao base lamang sa nakikita ko, alam ko mali. Pero naiisip ko judging a person doesn't define who they are.  It defines who you are. Tama hindi ba?  


               Bawat isa sa atin may mga sekreto na hindi masabi kahit gustong ng sabihin.  Bawat

Monday, February 6, 2012

Sa Unang Pagkakataon

               Limang buwan ang lumipas madaming nangyari sa buhay ko na hindi ko inaasahan. Napadpad sa isang lugar na di ko inaasang mapupuntahan ko balang araw. Walang magagawa nandito na ako.

               Ang init, kahit ihip ng hangin napaka init, eto na nga at nandito na ako. Sinalubong ng isang lalaki na may bandana sa ulo na kulay pula at puti (checkered) kinuha ang isa sa pinaka mahalagang bagay sa buhay ko, wala akong magawa ni tumanggi hindi ko magawa kailangang sumunod sa kagustuhan niya binigay ko ang (passport) ko. 

              Sinundo kami ng isang sasakayan para dalhin sa pupuntahan namin, pumpwesto ako sa harapan dahil di pwedeng mag sama ang babae at lalaki. Nagtatanong ako sa sarili ko eto na ba yun at di makapaniwala sa mga nakikita, matataas na building, maliwanag at maayos ang highway at hindi mausok ang mga sasakyan, aba aba ok eto ha.

              Limang buwan ang lumipas madaming nangyari sa buhay ko na hindi ko inaasahan. Napadpad sa isang lugar na di ko inaasang mapupuntahan ko balang araw. Walang magagawa nandito na ako.

              Sa bawat araw na dumaan habang ako ay nandito sa ibang bansa lagi kong naiisip ang mga kasama ko sa trabaho ko sa Pilipinas isang grupo ng mga tao na totoo at masaya kasama, ang pamilya ko sa Pilipinas walang araw na di ko sila naalala. May mga gabi na basa ang unan ko dahil sa di ko mapigilang maalala ang mga mahal ko sa buhay.  Walang magawa kundi alalahanin nalang sila dahil balang araw muli ko silang makikita, pasasaan ba at matatapos din ito.

              Napakabilis ng mga araw at buwan ko dito ang takbo ng buhay ko dito trabaho---bahay---trabaho---bahay, pero minsan lumalabas din kasama ang pinsan ko.

              Madami pang bagay na pwedeng mangyari sa akin habang ako ay nandito walang makakapigil sa mga pangarap ko, lahat ng mga ninanais ko sa buhay ko inaalay ko sa pamilya ko at higit sa lahat sa Panginoon na syang gumagabay sa akin habang ako ay malayo sa mga mahal ko sa buhay.

               Limang buwan ang lumipas madaming nangyari sa buhay ko na hindi ko inaasahan. Napadpad sa isang lugar na di ko inaasang mapupuntahan ko balang araw. Walang magagawa nandito na ako.

               December 16 gumising ako ng ibang iba walang sumalubong sa akin at humalik at yumakap na kapamilya nakakalungkot walang babati sa akin sa unang pagkakataon ng Happy Birthday anak, Happy Birthday donzil, Happy Birthday apo, Happy Birthday zeb :'( unang karaawaan ko na hindi ko kasama ang buong pamilya ko, napakalungkot dahil sa araw na ito walang babati sa akin at hahalik na kapamilya ko :'( Walang magawa kundi alalahanin nalang sila dahil balang araw muli ko silang makikita, pasasaan ba at matatapos din ito.

with my cousin celebrating my birhday
              Ngunit nakipag kita ako sa pinsan ko para naman maramdaman ko kahit papaano na may kapamilya akong babati sa akin ng personal, tinwagan ko at pinilit ko na magkita kami ng pinsan ko, sapilitan na ito nyahahaha.

               December 24 Happy 35th Wedding Anniversary Mom and Dad Skype---Skype---Skype---ang tanging paraan upang 15mins lang ang tinagal ko sa unang pagkakataon para batiin sila sa kadahilanang ako ay may duty, diyan ko lang sila pwedeng mabati at makita, isang malungkot na bagay nanaman dahil ako naman ang hindi makakahalik at makakayakap ng personal sa kanila, ang aking magulang na nag pursige at nagpakatatag para maitaguyod kaming mga magkakapatid mga magulang na gagawin ang lahat para sa ikabubuti ng kanilang mga anak upang maibigay lamang ang mga pangangailangan ng isang anak na humihing ng isang bagay. (naiiyak ako seryoso) Mahal na mahal ko po kayo ng buong buo :'( Walang magawa kundi alalahanin nalang sila dahil balang araw muli ko silang makikita, pasasaan ba at matatapos din ito.

we just ordered a few foods to have a meal
the ER Staff that time
with my ER colleagues Malaysian and Indian staff was also celebrating with the pinoys :)
tumakas lang kami ng sandali sa area at nag celebrate ng Christmas sa Stock Room at Electric Room
              Decemebr 24 Unang pagkakataon na sinalubong ko ang pagpasok ng Christmas sa trabaho, sa bansang di nag didiwang ng kapaskuhan na tila ba'y normal na araw lang sakanila ang araw na ito, pero sa mga Pilipino isang malaking kasiyahan ito. Ang dati kong kasamang mag diwang ng kapaskuhan ay mga kamag anak ko, pero ngayon mga kasama ko sa trabaho.


              December 25 Dahil galing ako ng night duty nung December 24 natulog lang ako buong mag hapon dahil pagod sa duty, ang mga inaanak ko sa Pinas pinaubaya ko na muna sa aking mga magulong sila muna ang haharap sa mga inaanak ko pero syempre nagpadala ako ng pera para sa mga inaanak ko ;)


              December 31 Ayos hindi ako duty ngayon makakausap at makikita ko via Skype ang mga kamag anak at pamilya ko hindi ko naisip na mangyayari din ito sa akin na mag didiwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon sa pamamagitan ng Skype sa unang pagkakataon nangyari ito, naririnig ko ang putukan, tawanan at kwentuhan ng mga tao sa bahay namin sa Pinas, nakaka miss---nakaka miss--nakaka miss.  Walang magawa kundi alalahanin nalang sila dahil balang araw muli ko silang makikita, pasasaan ba at matatapos din ito.


my brothers and my one and only sister
me thinking and missing them
me smiling in times of being homesick
my crazy cousins and brotha
              January 1 Normal lang na araw sa mga tao dito ang araw na ito yung tipo bang parang wala lang :)) pero yung ibang lahi pati ilang Doctor bumabati ng Happy New Year ;) kung sabagay di naman bigdeal sa mga arabo ang new year. Pero sa ating mga pinoy nakupo big deal n big deal na big deal ang pagpasok ng bagong taon diba diba. Tayong mga Pinoy walang katulad ang selebrasyon natin ng Kapaskuhan at Bagong Taon. 

              Bagong Taon Bagong Buhay Bagong Pag-asa Bagong Karanasan na malayo sa pamilya sa unang pagkakataon.

              Limang buwan ang lumipas madaming nangyari sa buhay ko na hindi ko inaasahan. Napadpad sa isang lugar na di ko inaasang mapupuntahan ko balang araw. Walang magagawa nandito na ako.


Praise be to God and God Father of our Lord Jesus Christ, the Father of compassion and the God of all comfort, who comforts us in all our troubles, so that we can comfort those in any trouble with the comfort we ourselves have received from God. 
2 Corinthians 1:3-4

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...