Showing posts with label Wierd. Show all posts
Showing posts with label Wierd. Show all posts

Thursday, December 30, 2010

Bestfriend..

Weird ba bro?

Habang nakaupo ako sa aming terrace bandang hapon, may mga ilang grupo ng kabataan ang dumaan tawanan, kwentuhan at syempre asaran to the max ang mga drama (yan naman talaga ang nature ng mga kabataan).. Halos tawagan nila sa isa't isa bes/best/beshy, hindi nakakapagtaka dahil kahit saan naman ako mapunta naririnig ko ang tawagan na yan kahit nga ikaw na nagbabasa nito naririnig mo din yang tawagan na tulad ng nabanggit ko.

Pagka daan ng grupo ng kabataan na iyon, napaisip at nagtanong ako sa sarili ko ''nagkaroon nga ba ako ng Bestfriend?'

Bro just to tell you honestly never akong nag ka-Bestfriend sa loob ng dalawamput limang pamumuhay ko dito sa mundong mapaglaro. Natatandaan mo nung Elementarya at High School na kung saan uso ang slambuk (aminin mo nakasagot ka na rin sa slambuk ng klasmyet mo) na sasagot ka sa tanong na ''Who is your Bestfriend?'' , at pagkatapos mong sumagot ang unang titignan ng mga klasmyet mo ay eto 'WHO IS YOUR CRUSH?' , 'WHO IS YOUR FIRT KISS/FIRST LOVE?' at 'WHO IS YOUR BESTFRIEND?'....

Sa tanong tungkol sa CRUSH/LOVE/KISS may mga sagot ako dyan bro nyahahaha. Pero pagdating sa 'WHO IS YOUR BESTFRIEND?' wala ako maisulat kahit isa, hindi naman sa hindi ako palakaibigan, yun nga lang eh sa wala nga akong Bestfriend eh, anong isasagot ko dun.

Tumungtong ako ng kolehiyo mas naging independent ako pagdating sa pamumuhay, kung sino sino ang mga naging klasmeyt (irregular student ako ng college ako sa kadahilanang nagtransfer from public school into a private school) kaya from 1st year to 3rd year iba't ibang klase ng estudyante ang nakakasalamuha ko, 4th year nalang ako nakasama sa isang block section.

Siguro nga iba talaga kung may matalik kang kaibigan may nasasabihan ka ng mga bagay bagay sa buhay mo.

Para sakin hindi naman siguro weirdo na ako ay walang naging matalik na kaibigan.

At the end of the day masasabi ko may naging bestfriend ako (hindi nga lang in physical aspect)..

He's up there, He knows me from the start, He knows all my pains, sufferings, dreams, aspirations, even my deepest secrets, success, desires, what i need and what i want in life. I can talk to Him anytime i want, without any rejection... He's name Jesus my only bestfriend. I hope you find yours same as my bestfriend.

GOD BLESS YOU BRO!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...