Naka upo ako sa isang waiting area sa Ospital habang nag hihintay na matawag ang pangalan ko para mag pa check up ng mata. Madaming tao akong nakikita, palakad lakad, tatayo, uupo, nag babasa ng dyaryo , umiinom ng kape, nag kakalikot ng celllphone, may nagkukuwentuhan, nag tatawanan at may nag iisa lang (madalas akong mag isa sa lahat ng lakad) hindi dahil sa wala akong kaibigan, mas gusto ko lang talagang mag isa madalas.
Ilang beses na ba tayong na husgahan ng ibang tao dahil sa uri ng ating pananamit, pagsasalita, kilos at direksyon sa buhay, sa musika na pinapakinggan mo,kung anong hitsura mo, kung paano ka makitungo sa ibang tao, kung sino ang mag sinasamahan mong grupo ng tao sa bagay ganun din naman tayo madali nating husgahan ang isang tao batay sa nakikita lamang natin.
Masakit mahusgahan ka ng ibang tao batay lamang sa kanilang pamantayan, at sigurado eto ang sasabihin mo "OK lang di naman totoo" pero deep in side masakit parin ang mahusgahan ng hindi totoo, apektado ka parin kahit papaano.
Sinasabi sayo ng mga tao na maging totoo ka "be yourself" pero sa kabila ng pagpapakatotoo mo huhusgahan ka naman nila napaka ironic. Kahit ako mismo dumadating sa puntong nanghuhusga ng isang tao base lamang sa nakikita ko, alam ko mali. Pero naiisip ko judging a person doesn't define who they are. It defines who you are. Tama hindi ba?
Bawat isa sa atin may mga sekreto na hindi masabi kahit gustong ng sabihin. Bawat

