Sunday, February 22, 2009

I Love You!

I Love You
not only for what you are,
but what I am when I am with you.

I Love You
not only for what you have made of yourself,
but moreso, for what you are making of me.

I Love You
because you attempt to perfect my being of
kindheartedness - to live a life of love,
goodwill and gracious compassion.

I Love You
for your faithful show of affection,
the warmth of your friendship and your genuine concern - more
than any fate could have it to make me truly happy.

You have rendered it all without a touch,
without a word and without a sign.

You have brought all these about by being yourself.
And thus, perhaps, that is what true love is all about
about after all.

I Love You.


i hope someday i can render this poem to someone. i will read this poem in front of her seriously.

Friday, February 20, 2009

who am i?

mula ng matanggap ko ang isang request ng isa kong ka blogmate dito NA PRESSURE talaga ako SERIOUSLY! kung ano ang mga ipaglalagay ko dito lahat ba ay dapat katotoohan o kasinungalingan, hehehe.

kailangan ko daw mag lahad ng tungkol sa aking buhay at kailangan 25 daw na nagpapahayag kung sino si ZEBZEB. heto na heto na heto na ahhhhh.

1. ako ay isang rehistradong nars dito sa Pilipinas na pinagpala.

2. mahilig maggala ng MAG-ISA as in mag isa, naglalakad mag-isa sa mall, nanonood ng sine mag-isa, kumakain sa mga food court, fast food ng mag-isa, bumubili ng damit mag-isa. dahil ako ay taga Bataan nakakaya kong lumuwas ng Manila ng mag isa para lang gumala sa mga Malls hehehe.

3. nakuha ko ang aking online name na ZEBZEB sa isang junk food na ZEBZEB CORN PUFF ( piso isa lang yun) favorite ko yun nyahahahaha. siguro may nakatikim n sa ZEBZEB hehehe.

4. noong ako ay nag-aaral nung high school lagi akong pumupwesto sa likuran para makakopya sa katabi at sa harap ko hehe. pero nung ako ay nag college consistent as in consistent akong umuupo sa harapan. para maiwasan ko ang mangopya hehehe.

5. masugid kong sinubaybayan ang mga anime na ito HUNTER x HUNTER, DRAGON BALL Z, GHOST FIGHTER, SLUMDUNK,FLAME OF RECCA, POWER RANGER.

6. MAY GUSTO AKONG MA MEET PERSONALLY DITO SA MUNDO NG BLOGGING sana nararamdamn nya na siya yung gusto kong ma meet.hehehe

7. kaya kong patunayan na may isa akong salita, pag sinabi ko ginagawa ko, ayaw ko kasi ng sumisira sa pangako.

8. iisa lang ang aking password sa lahat ng mga account ko.

9. ang hilig ko lang panoodin sa tv ay news and documentaries hindi ako mahilig manood ng TELEBABAD O TELESERYE.

10. naging BEST IN MATH ako ng kinder ako,nyahahaha. but now MATH really SUCKS whahaha.

11. at the age of 25 i want to get married and settle down. meron akong ratio sa pag aasawa eto yun 70/30. 70% hindi na ako mag-aasawa pag nag 25 na ako at wala paring gf, 30% nmn in a way my chance pa na mag asawa ako.hehehe ( any volunteer dyan oh pls.pls.pls. hehehe)

12. as a nurse mas nakikita ko ang sarili ko na nag tatrabaho sa MENTAL HOSPITAL seryoso! gusto ko kasi sila, kasi my mga sarili silang mundo walang pakialaman.

13. hindi ako kumakain ng dinuguan at laing.

14. BAMBOO one of my fave band (nice kasi mag songs nila my puso yung mga lyrics). EAT BULAGA ( i still go for the OLD SCHOOL variety show)

15. hindi ako nagiinom, naninigarilyo, nagdudrugs, nambabae, nangongotong.

16. sa lalong madaling panahon kailangan kong matutuhan ang NORWEGIAN dialect, kailangan ko kasi ito pag ako ay nagpunta na ng NORWAY kung papalarin.

17. nagtuturo ako ng mga bata sa simbahan namin (syempre dapat magagandang asal at maka Diyos ang dapat ituro), i am a Pastor Kid (anak ng isang Pastor), affiliated din ako sa Central Luzon Distric Medical/Dental Mission.

18. ayaw na ayaw kong umaatend sa isang DEBUT party, kasi ba naman ilang beses ko ng nararanasan na kapag kulang ang 18 roses ayun at pati ako hinuhugut para lang isayaw ang BirthDay Celebrant kahit na parehong kaliwa ang paa ko sa pag sasayaw hala sige sayaw naman ako. Mas gusto kong umaatend sa isang KASALAN, at doon hindi nila ako mapipilit na maging abay nyahahaha. Kainan lang solve solve na ako.

19. Frustrated Photographer, Frustrated Dentist, Frustrated Doctor, Frustrated Singer, Frustrated Scriptwriter, Frustrated Director.... Hala ano ba yan ang dami ko palang frustrations.

20. dream school ko HARVARD UNIVERSITY.

21. hindi pa ako naoospital sa buong buhay ko. wag naman sana mangyari na ako ay maospital ngayun.

22. tumatanggi ako pag kinukuha akong ninong sa isang binyag, lalo pa kung hindi ko gaanong kilala ang taong kukuha sakin bilang ninong ng kanyang anak. ang aking RASON???? e hindi ko naman masusubay bayan yung pag laki ng bata. (pero sabi hindi daw maganda tumangi pag inalok ka na maging ninong sa binyag)

23. sa panahong ito gusto kong manalo sa LOTTO at this moment 270Million na ata ang Jackpot Price. manlilibre talaga ako SERYOSO.

24. hindi kumpleto ang araw ko pag hindi ako nakakatae. ( ang baho )

25. uulitin ko may gusto talaga akong ma meet dito personally sa blogworld nyahahaha.


ayan na ginawa ko na ang aking pagbida-bidahan. 2 days ko din ito ginawa, nag isip, nag muni muni at pinag bulay bulayan ko ito. hindi daw ito TAG sabi ni DYLAAAAAN ito daw ay personal nyang REQUEST. kaya ginawa ko naman, malakas kasi sakin si DYLAAAAN ako lang naman mahina sakanya hehehehe. (peace DYLAN)....

Monday, February 16, 2009

guess who's back!

matagal din akong nawala sa sirkulasyon ng blogging, yung last post ko is I am Bored! mukha ngang dinibdib ko, hehehehehe. madami na bang nabago dito sa mundo ng blogging? makakasabay pa kali ako? kilala pa kali ako? hehehehe, o hindi naman ata halata na ako ay nawala sa pag popost ng blog hehehe. sa hindi maipaliwanag na dahilan kaya ako ay nawala sa mundo blogging.hehehe.grabe ang daming tumatakbo sa utak ko na kailangan kong i-post pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

as soon as possible i will post some of the topics that runs tru my mind. sa ngayun ito muna ang hudyat na ako ay nagbalik na sa mundo na blogging.lolz

guess who's back???? its me ZEB lolz......

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...