Friday, August 24, 2012

Isang Gabi

               Sa mga nakalipas na araw alam kong nangusap sa akin ang Panginoon, ipanaalala niya na walang ibang mag bibigay sa akin ng kapanatagan kundi siya lamang, maraming mga gumugulo sa isipan ko, maraming katanungan ang gusto kong hanapan ng sagot.

               Isang gabi habang ako ay nahihimbing sa pag tulog, naramdaman ko na tila ba'y basa ang aking mga mata at mukhang kagagaling sa isang matinding pag iyak.  Umupo ako sa dulo ng aking kama at nag isip-isip.  Di nagtagal pumatak ang aking mga luha at tila ba wala ng katapusan, marahil sa pag kakataong ito ako ay ginising ng Panginoon para siya ay bigyan ko ng pansin.  Paulit ulit na tumatatak sa isipan ko ang mga salitang "Kumusta ka na? Ayos ka pa ba?" at sa pag kakataong iyon alam kong galing sa Panginoon ang mga linyang iyon.

               Walang tigil ang pagpatak ng aking mga luha habang namumutawi ang mga tanong na iyon, walang lumalabas na salita mula sa labi ko kahit gusto kong mag salita, kahit gusto kong sagutin ang tanong na iyon.  

               Gusto kong ipag sigawan na....

               "Kumusta ako?" Panginoon hindi maayos ang lahat para sa akin, nahihirapan ako, nabibigatan at naguguluhan sa mga nangyayari madaming tanong ang gusto kong masagot bakit ganito? bakit ganyan? bakit! bakit! bakit!....
               "Ayos ka pa ba?" Panginoon hindi po ako ayos, ang simpleng tugon ko sa tanong na iyon (sabay patak nanaman ng aking mga luha mula sa aking mga mata).

               Pakiramdam ko tumigal ang oras at mundo ng aminin ko sa kanya ang totoo at kung ano ang tunay na nararamdaman ko tila ba nag hihintay ako ng kasagutan sa mga tanong.

"Anak may mga bagay na hindi mo naiintindihan dahil pilit mong nilalayo ang sarili mo sa akin, hindi kita pinabayan ni iniwan sa oras na ikaw ay may mga bigatin sa buhay, kung saan ka magpunta, naroon ako para subay bayan ka, sa mga luha mo naroon ako at nasasaktan kapag ikaw ay nakikita kong lumumuha na.  Ilang beses akong kumatok sa puso mo ngunit tila ba ay hindi mo ako naririnig o sadyang di mo ako pinapansin, nasasaktan ako sa tuwing ikaw ay nadadapa sa hamon ng buhay, ni hindi ka humingi ng tulong sa akin sa mga pag kakataong iyon, iniisip mo siguro na kaya mo ang lahat ng mga bagay na dumadating sayo.

Ang gusto ko anak tanggapin at aminin mo sa sarili mo na hindi mo kaya ang mga bagay bagay na nangyayari sa iyo gaya nga ng sinabi ko sa aking salita ("apart from me you can do nothing John 15:5")  walang mawawala sa iyo anak kung susunod ka sa mga bagay na naaayon sa plano ko sa iyo ( "For I know the plans I have for you. "declares the LORD,"plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. Jeremiah 29:11").  Hindi ba at napaka ganda ng mga pangako ko sa iyo, mahal na mahal kita anak at kailan man hindi ko hahayaan na ikaw ay mapahamak sa mundong ito mag tiwala kalang sa akin ng buong puso aking anak."

               Hiyang hiya ako sa Panginoon sa mga bagay na pina-realized niya sa akin punong puno ng pagmamahal at pag papatawad ang lahat.  I realized Lord, in the past I have denied you and walked away from you and even ignored numerous times.  But I know that there is an indelible mark of the cross you left in my heart, from now on, I will bring your cross.  I will do it.  

               Ang sarap sa pakiramdam ang umiyak sa Panginoon ibuhos ang lahat lahat sa kanya na di mo kayang gawin sa kapatid, magulang o kahit sa pinakamatalik mong kaibigan, sa Panginoon hindi ka niya huhusgahan at iiwanan sa oras na kailanganin mo siya.   The more I seek You, the more I find You.  The more I find You, the more I know You.  My life is in You oh Lord.  He is just a prayer away guys.


______________________________________
And nothing will ever separate you from my love again. Romans 8:38-39
My question is...Will you be my child? John 1:12-13 

Tuesday, August 7, 2012

Pray For The Philippines


  Heavenly Father, I come before your throne of grace at this moment. Let Your protection be upon us all, especially those who are affected with floods and heavy rain. You are our refuge, in You we will find peace and comfort. I will hold on to Your promise when You said "Be still and know that I am God." - Psalm 46:10
In Jesus name I pray... AMEN!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...