Thursday, September 6, 2012

KUYA!!!!! Pinaiyak mo ko.

"Kuya bakit di ka po nag o-online sa Facebook Chat never pa po kitang nakitang nag online sa chat."  
Sa totoo lang di ako nag oonline sa Facebook Chat, di ko nakasanayan na mag online sa chat dahil siguro di ako mahilig makipag chat.  Pero pag nag message ka saakin for sure 100% sasagot ako sa iyo ;) tulad nito.
Message from Mina.
               Hello, Kuya Zeb! I am following you in twitter. Alam mo, Kuya, lagi kong pinapakinggan yung mga songs mo dito sa link na to: http://zebsparkinglot.tumblr.com

               Wala kasi akong mga songs na mapakinggan, yung mga kasama ko puro worldy songs yung pinapatugtog. Blessing talaga sa akin na na-open ko yun. Kuya, pakisama po ako sa prayers ha? At times talaga, umiiyak ako sa Lord kasi nahihirapan ako, pero at the end of the day, napakabuti pa din Niya. Expect for more msgs na ise-send ko sa'yo ha, Kuya? Kung ayos lang.. Kuya, salamat ng madami. Salamat sa Lord sa buhay mo. GOD bless us more! Shokran! (Thank You)

____________________

                Hi Mina, good to hear from you. I am aware that you are also here in Saudi, How's life? How's work been goin'?

                Mahirap talaga makasama ang mga tao na taliwas sa paniniwala natin, pero may reason si God kung bakit ka nandyan sa ganyang sitwasyon keep your faith Mina wag kang bibitaw and I know you never do that. Wag kang papadala sa mga nasa paligid mo, you know what pag feeling ko napanghihinaan na ako ang iniisip ko lagi yung panahon na sobrang on-fire ako kay yung tipong first love ang naramdaman ko nung makilala ko si God.

                God is our greatest comforter in times of needs.Today, no matter where you are in the process, the key is to keep moving forward by reading and hearing His Word. His Word is alive. His Word will heal your heart and restore your soul.

               Wag kang matakot Mina madaling sabihin pero yan ang dapat mong gawin, tandaan mo nilagay ka dyan ni Lord hindi para mapahamak kundi para pagpalain, magtiwala ka sa kakayahan ng Panginoon at walang magyayari sayong masama, nagkakaroon ng di magandang resulta ang mga bagay bagay kung may doubt tayo sa kakayahan ng Panginoon pero kung buong puso natin ipapaubaya ang kakayahan natin sa kanya walang puwang ang ka away para tayo ay mapahamak.

If God is for us who can be against us?
Isaiah 41:10
Don’t be afraid, for I am with you.
Don’t be discouraged, for I am your God.
I will strengthen you and help you.
I will hold you up with my victorious right hand.
               Just message me if you want any prayer request, I would love to pray for you Mina.  By the way I am your new follower in Twitter  
____________________
               KUYA!!!!! Pinaiyak mo ko...

                Eto po, under adjustment pa din. Pero may kasama po akong childhood friends and elementary classmates ko, bale 4 po kaming magkakasama. Kung work po, ayos lang naman po, polyclinic lang naman po itong napuntahan ko, pero iba pa rin po talaga yung practice nila.

                Sobra po ang training na ginagawa ng Lord sa'ken dito. Napaka dependent person ko po kasi.. ang pangit po dun, hindi sa Lord ako dependent, kundi sa tao. Kaya po nung dinala Niya ako dito, biglang nagulo yung mundo ko.. pero I know in my heart na para sa akin talaga 'to.

                It strengthens me whenever I see your status, blogs and all. As if it's telling me na may maganda pa lang nadudulot ang pagne-net. haha.

                Sige po, prayer partner na kita ha, Kuya?  Same here, pag may prayer request ka po, message nyo lang din po ako.

               Salamat, Kuya. I am smiling now, with tears nga lang.

               Salamat po for sharing your faith with me. Praise God for your life.

               Salamat po! We are blessed and favored.
____________________

              
Ang sarap sa pakiramdam lalo at nakakatulong ka sa simpleng paraan, hindi mo kailangan na maging maimpluwensyang tao para makatulong sa ibang tao, make your self available sa oras ng may nangangailangan sapat na iyon, simpleng ikaw lang pwede na.  All praises belongs to Jesus.
smile

2 comments:

  1. oh my! nag gigitara ka? turuan mo naman ako pls pls pls pls pls pls

    ReplyDelete
  2. feeling first love ang nararamdaman ng unang makilala si God.I can relate sa feeling na ito. Yong tipong pakiramdam mo nakalutang ka sa hangin ang gaan ng pakiramdam. pag nahihirapan ka ito lang ang pwedi mong balikan na magpapalakas sayo.

    ReplyDelete

Speak Your Mind.. Let it Out!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...