Mam follow up ko lang po yung leave form ko for vacation, tapos na po ba? "Yes It’s done, by the way here’s your evaluation" (sabay abot sa akin yung evaluation ko for 1 year) di pa ako na kaka one year sa work ko pero binigyan na nya ako ng evaluation yun naman yung karaniwan dito maaga ang mga bagay bagay lalo na pagdating sa evaluation.
Tumayo ako sa isang tabi at unti unting binabasa ang evaluation score ko, habang iniisa isa ko ang bawat category kung saan ako binibigyan ng puntos, aba aba aba maganda nga performance ko sa bawat category na nakikita ko, nakakatuwa kasi mukhang nakikita talaga kung ano ang mga ginagawa ko at na itutulong ko sa department namin.
Ang sarap ng pakiramdam habang nakikito ko kung anong score ang ibinibigay sa akin. Hanggang nakarating ako sa isang category hala bakit ganito score ko ditto ???? inilit ulit kong basahin ang category na ito (sa isip isip ko do I deserve this score) bakit mababa score ko dito “Willingness to help others” totoo ba itong nakikita ko na score?
Medyo na kakadismaya at yung tipong parang hindi ko maisip o matanggap na yun lang ang score ko sa category na iyun. Sabay nag salita si head nurse “ When you’re done just right your comments below” ok Mam.
Matapos kong mabasa at pag munimunihan ang evaluation ko pinasa ko na din.
____________________________________________________________________
Morning shift was over I am from 7am-7pm , time to go home este sa accommodation pala naming (may accommodation flat kami provided by the Hospital free lahat yun food, water, electricity and even transportation (just a back ground info bro) ).
Walang internet connection sa dahil nag uupgrade itong network provider namin. Naisipan kong ipagpatuloy na basahin yung book na binabasa ko. ( The Five People You Meet In Heaven )
Hala di maalis sa isip ko yung score ko dun sa evaluation, may mga tanong tulad ng, talaga? bakit? yun talaga yun? (move on zeb yan ang paulit ulit na iniisip isip ko).
Napag isip isip ko sa bagay na nangyari. Marahil nga sa paningin ng ibang tao tayo ay parang wala lang tayo o di kaya ay di napapansin. Yan siguro ang basehan natin sa ibang bagay, kung ano lang ang nakikita at napapansin natin dun lang tayo bumabase sa kung anong literal na kikita ng mga mata natin.
Bigla kong na realized sa paningin ng ibang tao madali silang humusga sa kung ano loan gang pamantayan nila. Pero iba ang Panginoon alam niya kung ano ang kaya mong gawin at kung anong kaya mong ibagay ng buong kakayahan at lakas mo. Sabi nga sa salita niya “Your work is not in vain” “Blessed are those who are humble” itong mga salitang nagaling sa Panginoon ang nagbibigay ng pag-asa sa akin sa kung anong naranasan ko ngayonga araw na ito.
“Willingness to help other” 3.5
And my score "Overall work performance 4". Praise be unto God.
Score 1-5 , 5 being the highest.