Kailangan na siguro at panahon na na bitawan ang mga bagay na nagpapabigat sa iyo, mga kaibigan na hindi maganda ang impluwensya, ang salita na laging lumalabas sa mga labi mo, ang pag iisip ng di kaaya aya at higit sa lahat ang mga bagay na dati mo naming hindi ginagawa pero mag mula ng na subukan mo eh di ka na bumitiw.
Ang bagay na ito ang unti unting sumisira sayo buong pag katao mo, oo nag bibigay sa iyo ng kasiyahan ang mga bagay na ito pero hanggang kailan iikot ang mundo mo sa mga bagay na unti unting sisira sayo, hindi man sa ngayon pero darating ang araw na kahit ikaw iba na din ang tingin mo sa sarili mo.
Gusto mo bang dumating sa punto na pag tingin mo sa salamin kahit ikaw pakiramdam mo malayong malayo na ang tunay na ikaw sa kung ano ka ngayon, ni hindi mo na alam kung sino ka na nga ba dati, subukan mong titigan ang sarili mo sa salamin at makikita mo ang tunay na ikaw, hindi mo mamamalyan unti-unting papatak ang mga luha mo, dahil may isang boses na nag sasabing “sana bumalik ka na sa dati, ang totoong ikaw”.
Minsan ang munting tinig na ito ay hindi natin binibigyang pansin dahil sa nakatoon ang ating buong pandinig sa mga bagay na unti unting lumalason sa buo nating pag katao na magbibigay daan na lalo nating talikuran ang dating ikaw.
“Hindi na nga siguro babalik ang dating ako, wala na akong magagawa eto na ako eh” napakasakit madining ang mga bagay na ito sa sarili mong mga labi, sana hindi dumating sa punto na masasabi sa iyo yan, nawa ay hindi.
Pero pero pero bakit nga ba hindi mo subukang ibalik ang dati? Ang dating ikaw na simple at Masaya sa mga bagay na kung anong meron ka. Hindi mo kaya? Sinong may sabi? Inuulit ko KAYA mo maniwala ka, magtiwala ka sa sarili mo. Hindi nga siguro ganoon kadali na talikuran ang mga bagay na nakagawian mo. Pero pumili ka isang buhay na puno ng bigatin, lungkot at pagpapanggap sa harap ng tao o simpleng buhay na kung saan totoong kagalakan ang mararamdan at syempre kapanatagan ng isip.
Mat 11:28 Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin.