Friday, February 20, 2009

who am i?

mula ng matanggap ko ang isang request ng isa kong ka blogmate dito NA PRESSURE talaga ako SERIOUSLY! kung ano ang mga ipaglalagay ko dito lahat ba ay dapat katotoohan o kasinungalingan, hehehe.

kailangan ko daw mag lahad ng tungkol sa aking buhay at kailangan 25 daw na nagpapahayag kung sino si ZEBZEB. heto na heto na heto na ahhhhh.

1. ako ay isang rehistradong nars dito sa Pilipinas na pinagpala.

2. mahilig maggala ng MAG-ISA as in mag isa, naglalakad mag-isa sa mall, nanonood ng sine mag-isa, kumakain sa mga food court, fast food ng mag-isa, bumubili ng damit mag-isa. dahil ako ay taga Bataan nakakaya kong lumuwas ng Manila ng mag isa para lang gumala sa mga Malls hehehe.

3. nakuha ko ang aking online name na ZEBZEB sa isang junk food na ZEBZEB CORN PUFF ( piso isa lang yun) favorite ko yun nyahahahaha. siguro may nakatikim n sa ZEBZEB hehehe.

4. noong ako ay nag-aaral nung high school lagi akong pumupwesto sa likuran para makakopya sa katabi at sa harap ko hehe. pero nung ako ay nag college consistent as in consistent akong umuupo sa harapan. para maiwasan ko ang mangopya hehehe.

5. masugid kong sinubaybayan ang mga anime na ito HUNTER x HUNTER, DRAGON BALL Z, GHOST FIGHTER, SLUMDUNK,FLAME OF RECCA, POWER RANGER.

6. MAY GUSTO AKONG MA MEET PERSONALLY DITO SA MUNDO NG BLOGGING sana nararamdamn nya na siya yung gusto kong ma meet.hehehe

7. kaya kong patunayan na may isa akong salita, pag sinabi ko ginagawa ko, ayaw ko kasi ng sumisira sa pangako.

8. iisa lang ang aking password sa lahat ng mga account ko.

9. ang hilig ko lang panoodin sa tv ay news and documentaries hindi ako mahilig manood ng TELEBABAD O TELESERYE.

10. naging BEST IN MATH ako ng kinder ako,nyahahaha. but now MATH really SUCKS whahaha.

11. at the age of 25 i want to get married and settle down. meron akong ratio sa pag aasawa eto yun 70/30. 70% hindi na ako mag-aasawa pag nag 25 na ako at wala paring gf, 30% nmn in a way my chance pa na mag asawa ako.hehehe ( any volunteer dyan oh pls.pls.pls. hehehe)

12. as a nurse mas nakikita ko ang sarili ko na nag tatrabaho sa MENTAL HOSPITAL seryoso! gusto ko kasi sila, kasi my mga sarili silang mundo walang pakialaman.

13. hindi ako kumakain ng dinuguan at laing.

14. BAMBOO one of my fave band (nice kasi mag songs nila my puso yung mga lyrics). EAT BULAGA ( i still go for the OLD SCHOOL variety show)

15. hindi ako nagiinom, naninigarilyo, nagdudrugs, nambabae, nangongotong.

16. sa lalong madaling panahon kailangan kong matutuhan ang NORWEGIAN dialect, kailangan ko kasi ito pag ako ay nagpunta na ng NORWAY kung papalarin.

17. nagtuturo ako ng mga bata sa simbahan namin (syempre dapat magagandang asal at maka Diyos ang dapat ituro), i am a Pastor Kid (anak ng isang Pastor), affiliated din ako sa Central Luzon Distric Medical/Dental Mission.

18. ayaw na ayaw kong umaatend sa isang DEBUT party, kasi ba naman ilang beses ko ng nararanasan na kapag kulang ang 18 roses ayun at pati ako hinuhugut para lang isayaw ang BirthDay Celebrant kahit na parehong kaliwa ang paa ko sa pag sasayaw hala sige sayaw naman ako. Mas gusto kong umaatend sa isang KASALAN, at doon hindi nila ako mapipilit na maging abay nyahahaha. Kainan lang solve solve na ako.

19. Frustrated Photographer, Frustrated Dentist, Frustrated Doctor, Frustrated Singer, Frustrated Scriptwriter, Frustrated Director.... Hala ano ba yan ang dami ko palang frustrations.

20. dream school ko HARVARD UNIVERSITY.

21. hindi pa ako naoospital sa buong buhay ko. wag naman sana mangyari na ako ay maospital ngayun.

22. tumatanggi ako pag kinukuha akong ninong sa isang binyag, lalo pa kung hindi ko gaanong kilala ang taong kukuha sakin bilang ninong ng kanyang anak. ang aking RASON???? e hindi ko naman masusubay bayan yung pag laki ng bata. (pero sabi hindi daw maganda tumangi pag inalok ka na maging ninong sa binyag)

23. sa panahong ito gusto kong manalo sa LOTTO at this moment 270Million na ata ang Jackpot Price. manlilibre talaga ako SERYOSO.

24. hindi kumpleto ang araw ko pag hindi ako nakakatae. ( ang baho )

25. uulitin ko may gusto talaga akong ma meet dito personally sa blogworld nyahahaha.


ayan na ginawa ko na ang aking pagbida-bidahan. 2 days ko din ito ginawa, nag isip, nag muni muni at pinag bulay bulayan ko ito. hindi daw ito TAG sabi ni DYLAAAAAN ito daw ay personal nyang REQUEST. kaya ginawa ko naman, malakas kasi sakin si DYLAAAAN ako lang naman mahina sakanya hehehehe. (peace DYLAN)....

14 comments:

  1. buti nman at di akow na tag hahaha ..lolness wow zeb wla lang hahaha

    ReplyDelete
  2. ..gusto ko yung number 18. hahaha..nga naman di ka pwede kuning abay...hahaha..
    ..ahaay..nakahinga nanaman ako, buti di pa ko napapasahan ng mga tag na ganito, kung nagkataon..nakilala na ko..hehehe..bahala talaga yung mag tag saken ng mga about facts sa sarili.,naku naku..hehehe..

    ReplyDelete
  3. 1
    2
    5
    6
    9
    12
    15
    17
    21
    23

    yan. yan ang ipantaya mo sa lotto..baka sakaling tumama..kaya lang masyadongmarami..LOLZ

    yan lang naman ang similarities natin..;)

    dati akong teacher sa Sunday School nung college ako't di pa busy.. nammiss ko na

    cheers ZEB, thanks for posting, sabi ko naman alang pressure ye. hehe.. sa ganito kasiing paraan nakikilala ang bloggers..kaya IT IS SO NICE TO MEET YOU!

    Fave ko ang ZEBZEB nung bata ako.. til now naghahanap ako nyan dito samin..

    ReplyDelete
  4. Kung sino man yang gusto mongmakilalang ka-blog mo eh sana nga ma-meet mo..

    God bless Zeb!

    ReplyDelete
  5. """amor"""
    nirequest po ni DYLANN ito.lolnes din heheheh.

    """hidden"""
    tama naman ako sa no. 18 diba, minsan badtrip yung bigla ka nalang hahatakin para sumayaw wahahaha.

    """DYLAN"""
    sabi mo dapat hindi ako ma PRESSURE pero na pressure ako seryoso. sana nga ma meet ko yun. kahit this year.

    wow favorite ako ni DYLAN heheh (ZEBZEB) yung pagkain ha. hehehe.

    ReplyDelete
  6. Naman. Di naman nakaka pressure yan ah.. Hehe..

    Sigurado interesting na tao ang gusto mong makilala dito kasi dalawang beses mong binanggit.. Wahahaha!

    Ang tindi nung number 11 mo!!! Wa ako ma-say! nyahahaha!

    ReplyDelete
  7. ahahaha! tulad ng ke DH na post, lol!

    ayun, lol ka, sabihin mo n kasi kung sino yun para maligaya ka na,lol! wahahahaahahaha! san b nabibili yang zebzeb n yan? lol ! haroo haroo!

    ReplyDelete
  8. "12. as a nurse mas nakikita ko ang sarili ko na nag tatrabaho sa MENTAL HOSPITAL seryoso! gusto ko kasi sila, kasi my mga sarili silang mundo walang pakialaman."

    Bilang isang nurse, malamang sa hindi, sa mental or pyschiatric ward mo naman ako matatagpuan. Daan ka minsan. Kwentuhan tayo... hehehe!

    Cool! :)

    ReplyDelete
  9. """DYLAN"""
    no.11 seryoso ako dyan hehehe. as in SERYOSOOOOOO>

    """sunny"
    nahihiya akong sabihin sakanya na xa yung gusto kong mameet personally, baka hindi nya paunlakan yung alok ko hehehehe.

    """oracle"""
    pucha sige nga magkwentuhan tayu, marami tayong pwedeng mapag usapan hehehe.

    ReplyDelete
  10. Zeb - salamat di ako nag-iisa sa mga biktima ng kapalaran!...lol neways kakatuwa naman malaman ang mga facts mo. Sana naman tablan yun taong gusto mong makita sa personal....lol tc

    ReplyDelete
  11. """darkhorse"""
    sana nga tablan si _______ hehehehe.
    salamat sa pag daan Darkkkk.
    nice nice.

    ReplyDelete
  12. same here--I also have same password in all of my accounts.Nakakaburat kung paiba-iba!

    ReplyDelete
  13. """clarissa"""
    oo nga badtrip before pag ang daming password, ang hirap alalahanin kung ano ano yung mga password na iyon, so i make a password nalang na iisa para sa lahat ng account ko hehehehe.nice nice.

    ReplyDelete
  14. nice post..pK? wat religious affiliation u/.?

    ReplyDelete

Speak Your Mind.. Let it Out!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...