Saturday, April 11, 2009

Thank You mom and dad!

Ang sarap ng pakiramdam ng nakatapos na sa pag aaral, lalo na pag ikaw ay tapos ng kolehiyo. Sino nga ba ang mas masaya ang estudyanteng nakatapos ng kanyang pag aaral o ang magulang na nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo, wala na sigurong hihigit pa sa kaligayan ng mga magulang na naitaguyod ang kanilang anak sa pag aaral, ginagawa ang lahat para lamang mabigyan ng magandang edukasyon at kinabukasan ang kanilang anak.

Mapalad kaming magkakapatid sa aming magulang na siyang nagtaguyod ng aming pag-aaral. ( mas maganda ang term na Mapalad kaysa sa Masuwerte hindi ba), ng dahil sa kanilang pagsisikap natapos namin ang aming kurso sa kolehiyo, sa katunayan naka graduate na ang kapatid kong bunso sa kursong BS Mechanical Engineering. Waaaaaah ang galing tapos na kaming lahat na magkakapatid sa Kolehiyo. Lima (5) kaming magkakapatid na nakapagtapos na ng pag-aaral sa kolehiyo. Grabe astig ka mom and dad nakayanan ninyo yun na kami ay mapagtapos sa kolehiyo I salute you for that hehehe. Ngayun my mga anak ka ng nakapagtapos lahat with degree holder. Nice nice.hehehe. isang BS Industrial Technology, isang BS Education, dalawang BS Mechanical Engineering at isang BS Nursing. Aba aba aba teka nga si mommy at daddy astig talga ha wala akong masabi. Nagbunga din ang lahat ng mag paghihirap ng aking mga magulang, magmula sa pagtatrabaho ng aking Ina na isang Elementary Teacher at ang aking Itay na isang Safety Officer at Pastor din, naaalala ko pa ang mga sitwasyon na hindi alam ng aking mga magulang kung saan sila kukuha ng aming mga pang tuition, projects at allowance. Hindi rin maiwasan ng aking mga magulang na mangutang sa mga kakilala nila ng pera para lamang mapunan ang kakulangan sa aming pangagailangan pang edukasyon, minsan ang sinasabi ng aking Ina na makapal na yung mukha niya sa kakautang, lahat yun tiniis ng aking mga magulang(huhuhu). Minsan pagdarating ang sahod ng aking mga magulang Payslip nalang ang dumadating dahil sa dami nag kanilang loan sa trabaho at banko.

Ngayon kami namang mga magkakapatid ang mag papasaya sa aming magulang, they deserve to be happy right now. Hindi ko iniisip na ako ay nagyayabang sa post kong ito, it is just that overwhelmed lang talga ako sa mga nangyayari sa aming buhay, To God Be the Glory! As what the Bible say's in the book of Jeremiah Chapter 29 verse 11 "For i know the plans i have for you, "declares the Lord, "plan to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and future."

16 comments:

  1. great, great! i salute your mum and dad!

    ReplyDelete
  2. wow!!cngrats zeb!!!sayo at sa parents mow

    ReplyDelete
  3. Congrats to your parents.. I'm sure proud na proud sila sa inyong lahat..

    God bless and take care..
    Happy Easter in advance!

    Cheers!

    ReplyDelete
  4. Jeremiah 29:11 is one of my fave verse in the Bible.. I also declare that to myself..;D

    God knows his plans for us..
    cheers ulit!

    ReplyDelete
  5. wow....
    mapalad kayu sa parents nyo at mapalad din ang parents nyo sa inyo...

    iilan nalang ang ganyan na napapagtapos ang lahat ng anak sa kolehyo...

    pwedeng ilaban sa ulirang Parents award ahhhhh... sa Probinsya kase namin may ganun eh... sa inyu ba?

    ReplyDelete
  6. sunny"""
    thanks for the salute for my mum and dad.nice nice.

    amor"""
    salamat salamat mi-amor.

    ReplyDelete
  7. Dylan D"""
    yup proud si mom and dad ko saaming magkakapatid, that bible verse is really powerful isn't. I always claim it.

    ReplyDelete
  8. Kosa"""
    oo nga pare, pwede ipanglaban diba. pero ok lna itong ganito lang kami, Contented na kami hehehe. Our God Above nalang yung magbibigay ng award samion hehehe. nice nice pare.

    ReplyDelete
  9. The best family!!! Bibihira na ang ganun ngayon!!! Hindi naman lahat ng situation na nararanasan natin sa buhay nasa baba tayo basta si God nasa center ng family natin and faitfully na naglilinkod tayo sa kanya tiyak itataas nya tayo.

    ReplyDelete
  10. ireport"""
    Yup best family nga for me, mapalad talga ako sa family ko.

    thanks sa pagbisita ireport. i hope you like my little home here. nice nice.

    ReplyDelete
  11. Zeb - blessings tlga ang mga magulang! ...tc

    ReplyDelete
  12. pareho tayo ng naiisip. kapag graduation (or birthdays) dapat ang magulang ang mas pinapalakpakan dahil sa pagtaguyod sa anak nila. winner! haha

    ReplyDelete
  13. dark"""
    super duper blessssssssssings talaga ang mga magulang na RESPONSIBLE sa mga anak nila, and im blessed to have one.



    Chyng"""
    salamat sa pagdaan chynggggg. BIG APPLAUSE to our parents. Winner! Winner! Winner!

    ReplyDelete
  14. Congrats, Zeb!!I gave your Mom and Dad a salute!!\(^0^)/

    ReplyDelete
  15. clarissa"""
    dont wori clarissa i gave them a salute already nice nice.

    ReplyDelete
  16. Congrats to all the graduates! U are blessed with good parents. congrats!!!

    Monz Avenue

    ReplyDelete

Speak Your Mind.. Let it Out!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...