Hindi naman ako tsismoso pero naririnig ko parin ang galit na galit naming kapitbahay sa kanayang anak.
GAGAMNANAY (Nanay)
“puro ka gagamba..”
“anong natutunan mo sa skul kanina”
“siguro pinagalitan ka nanaman ng titser mo?”
“pag ako pinatawag nanaman sa opis ng titser mo humanda ka sakin”
GAGAMBOY (anak)
“hindi naman po puro gagamba inaatupag ko”
(habang unti unti itinatago ang kahon ng posporo na may lamang gagamba sa kanyang bulsa) nyahahahaha!!!
“hindi po kami nag klase may meeting po si mam, kaya po hindi po nagalit si mam sa akin ngayun”
“kaya po hindi kayu papatawag sa opis ni Mam kasi nga po wala siya kanina” (aba may point si gagamboy nyahahahah)......
Habang sa labas ng bahay ay naghihintay at nakadungaw sa bintana ang kanyang ka-esk
wela na si Utoy. Halatang kinakabahan din si Utoy dahil sa maaaring pagalitan din siya ni GAGAMNANAY...
Hindi nga nagatagal at napansin ni GAGAMNANAY si Utoy ( naku patay tiyak papagalitan din ito)...
GAGAMNANAY
“HOY! Utoy isa ka pa puro gagamba din inaatupag mo. Umuwi ka na nga sa inyo at tumulong ka sa nanay mo. “
Nang pumasok na sa kusina si GAGAMNANAY, dali daling lumabas si GAGAMBOY at iniabot kay Utoy ang kahon ng posporo na ang laman ay gagamba.
GAGAMBOY
“Utoy wag mong gagalawin yan ha, wag mong ipanglalaban yan yari ka sakin,”
“ siya nga pala wag mong ilalaban sa gagambang tunay yan ha!” (ang gagamabang tunay ay ang mga gagamba na makikita sa mga dahon o puno maliban sa loob ng bahay) ...
“pakainin mo ng gagambang bahay yan” ( ang gagamabang bahay ay mga gagambang makikita naman sa loob lang ng bahay)
UTOY
“oo na akong bahala dito”
“siya nga pala tuloy ba tayu mamaya para mag hanap ng gagamba madami daw dun sa lote ni Aling Carmen sama ka ha, baka mauunahan tayu ni JC.
GAGAMBOY
“Oo akong bahala pupunta ako sige na uwi ka na.”
“Yung gagamba ko ha inggatan mo yari ka sakin!”
GAGAMNANAY
“ HOY HOY ano yan anong sama sama san kayu pupunta ha” (sabay patakbong umalis si Utoy)
“ hala pasok na sa loob dali!”
Ito ay base sa totoong pangyayari na aking nasaksihan sa aming kapitbahay. Inuulit ko. Hindi ako tsimoso ha.nyahahah
Panahon nanaman ng paglalaro ng gagamba, nakakaaliw ang mga bata na kung paano sila mag laro ng gagamba. Isa din ako sa nahumaling sa pag lalaro ng gagamba noong ako ay bata pa at ito ang ilan kong ginagawa noong naglalaro ako ng gagamba, (nyahaha take it from the expert)! :D
· Kahon ng posporo para dun sila ilagay lahat.
· Palapa (dahon) ng niyog upang gawing dibisyon sa loob ng posporo para madaming mailagay na gagamba.
· Iihipan ang gagamba para makatulog.
· Malumanay na pagpitik sa kahon ng posporo para magising ang gagamba na ipang lalaban.
· Wag na wag itulak ang gagamba sa bahagi ng kanilang puwet dahil ito daw ay maduduwag.
· Tuwing dapit hapon masmadaling makahanap ng gagamba sa kadahilanang sila ay gumagawa ng kanila sapot para doon mamalagi.
· Magdala ng flash light para makakita ng gagamba kung ikaw ay maghahanap pag gabi.
· Walis ting-ting para duon sila paglabanin.
Ikaw nakapag laro ka na ba ng gagamaba naging GAGAMBOY ka na ba dati? :D
photo credits: http://farm5.static.flickr.com/4063/4483686590_1275808fbd_m.jpg
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/images/rhoda's/bata't_gagamba2.JPG
naging gagamboy din ako dati nung bata ako,,sarap kayang mang gagamba,:)
ReplyDeleteYun oh! Syempre naman ginagawa ko yan noon! hehehehhehe saya lalo na kapag nagaaway sila at natatalo yung isa sa pamamagitan ng pagbalot ng sapot sa kanya... hehehehehhehe
ReplyDeleteisa rin akong gagamboy nung kabataan ko (oo, matanda na ako!) at maraming tournament na rin akong nasalihan...hehe!
ReplyDeletebest gagamba ko nun ay yung gagambang diablo, lakas pumitik! :)
Medyo takot ako sa gagamba. Yun lang. Bow.
ReplyDeletehttp://ficklecattle.blogspot.com/
@Adang
ReplyDeleteapir tayo jan masarap maglaro ng gagamba lao pag labanan na nyahaha :D
@Xprosaic
nakakakaba din kapag ang gagagambang panlaman mo ang siyang natatalo at babalutan na ng sapot ng kalabang gagamba :D
@bobot
yun oh tournament pa talaga ha nyahaha ayus yun ha.
yay gagambang dyablo???pangalan pa lang tiyak ng bamagsik nyahahah.. salamat sa pag daan pare.:D
@Fickle Cattle
at least kahit papano medyo lang ang takot mo sa gagamba bow hehehehe :D
nilaro ko yan ng bata ako yehey!
ReplyDeletedi pa ko nakakalaro nun, yung tatay ko lang. pinapanood ko sya dati nung bata pa ko.
ReplyDeletespectator lang ako haha
ReplyDelete@Pong
ReplyDeleteso confirmed nga isa ka ding GAGAMBOY! :D nyahaha
@Will
it's not tool late pa Will try mo maglaro :D
Salamat sa pag follow sa twitter. Done following you also! :D
@Traveliztera
spectator lang din ako nung una pero di ako nagpahuli at trinay kong mag-alaga at mag-alaga ng gagamba nyahahaha.
Salamat sa pag follow sa twitter. Done following you also! :D
gagamba ang hindi ko pinaglaruan dahil may phobia ako dyan .hehehhe
ReplyDeleteHindi ako naglaro ng gagamba. Kaderder. Pero naaliw ako sa mga tip! Lalo na ito:
ReplyDeleteWag na wag itulak ang gagamba sa bahagi ng kanilang puwet dahil ito daw ay maduduwag.
Parang pwede sa totoong buhay. :)
whaha naalala ko noon muntik na ko maadik dito... buti na lang ginawa ko siyang business hehe... pag nauwi ako sa province namin ang daming gagamba dun kinukuha ko lahat yun tapos dadalhin sa may manila para ibenta sa mga kalaro ko hehehe :D
ReplyDeletenakapaglaro na ko niyan dati, astigin kasi ako e. .nyahahah pero mas gusto kong manood kaysa maglaro. Afraid of gagamba, creepy crawlers ew as in ew.. hehe
ReplyDeletedear nurse,
ReplyDeletekahit oldies sa pasay, naglalaro ng gagamba.
efd
@Bino
ReplyDeletehala may phobia ka pala sa gagamba.. sayang naman di mo naranasan ang kabahan kapag natatalo na yung alaga mong gagamba nyahahah :D
@salbehe
ReplyDeletenyahahahaha nirelate mo yung tip about sa pagkaduwag sa totoong buhay apir!
salamat sa pagdalaw sa uulitin ha :D
@Axl
ReplyDeletetama ka pare pwede ngang ipagbenta ang gagamba nagawa ko na dati yan.. nag hahanap kami ng gagamba para ibenta sa mga kalaro nyahahah :D
@daphne said...
ReplyDeleteastig nga nakakapaga laro ka pa nyan... pero with matching ew ew ka pa haha nice one! :D
@efd
ReplyDeleteoo nga di lang pangbata yan pang matanda din at malaki pa ang pustahan :D
salamat sa pagdalaw. :D
very funny but its true... i remember whe i was young i used to play spiders with my brothers lol
ReplyDelete~~~Sugarcoated Kismet~~~