Tuesday, February 7, 2012

Blogger Not Found

               Nagising ng maaga dahil sa sobrang lamig 5°C walang magawa kundi buksan nalang ang laptop dahil di rin naman ako makakatulog ng maayos, naisipan kong buksan at bisitahin ang blog ko at subukang bisitahin ang lahat ng nasa blog roll ko, halo halong emosyon ang naramdaman ko at nasurpresa ako sa mga nakita ko.

               Naisipan kong mag blog hopping sa kadahilanang nawala and nasa side bar blog list ko
Marami talagang nagbabago sa mundo ng blogging, napatunayan ko yan sa pag bisita ko at pag daan sa lahat ng nasa blog roll ko, oo lahat binisita ko inisa isa ko ang mga blog na ito na miss ko kasing mag blog hopping at mag iwan ng marka sa chat box ng mga kasamahan sa blogging.

               Nakakatuwa dahil karamihan eh bago na ang mga hitsura ng mga blog ninyo ang ilan hanggang ngayun walang pagbabago sa hitsura ng blog which is good parin. Ang daming mga add ons na widgets, daming applications, at kahit mga followers and dami na rin ang sumusubaybay.

               Ang ibang blogger na dati ay kakulitan ko sa chat box, ngayon ay mga bigating blogger na at mukhang kilala na talaga sa larangan ng blogging, nakakahiya na tuloy makipag kulitan. Ang dami nading mga bagong blogger nakakaaliw talaga.

              Nakakalungkot yan ang mas lamang na naramdaman ko sa pag bisita sa mga blog, ang dami ng nawala sa mundo ng blogging ang mga blog na parati kong binibisita para magbasa ng bagong post nila ngayun wala na sila. (BLOGGER NOT FOUND).  Maaaring may pinag kakaabalahan na sila ngayon at di na maharap ang pag bo-blog.


              Hindi ko masasabi kung hanggang kelan ako mag bo-blog, sa totoo lang mga ka-blog dati ang takbo ng utak ko sa pag bo-blog ay padamihan ng followers, padamihan ng bumabasa, padamihan ng pwedeng i-post at padamihan ng comments sa post mo, in a way achievement nga naman.

               Mag susulat parin ako ng mga bagay bagay ng tumatakbo sa utak ko, di baleng walang bumisita sa blog ko di na big deal yun. Ngayun mas masarap magsulat pag di mo iniisip ang expectation ng ibang tao sa ipopost mo. Basta mailabas o maipahayag ko.  Tama nga I write to express not to impress.

3 comments:

  1. ako lagi bibisita dito kasi andami kong natutunan sayo :)In a way, thru your writing you're not just making an impression but also giving us inspiration.

    ReplyDelete
  2. Sometimes, we do not care if our blogpost will attract more visitor, we just post whatever we think as interesting or we like to share.

    ReplyDelete

Speak Your Mind.. Let it Out!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...