Friday, January 25, 2013

Studying Your Bible

Ilang beses mo ng nabasa Bible mo? Natapos mo ba at na gawa mo uling basahin from cover to cover? Waaahhhhh ang hirap minsan tapusin basahin ang Bible diba? aminin mo?!? Baka nga inaalikabok na Bible mo, maraming kang strategy kung pano basahin yang Bible mo good for you at least may strategy kesa wala ;).

Kahit ako minsan nahihirapna ding basahin at tapusin ang Bible, such a shame for me pero aaminin ko "hindi ko pa natatapos basahin ang buong Bible :( " Ang hirap kaya, sayang ang oras ko, uhmmm andyan lang naman yang Bible eh at anytime pwede ko namang basahin at tuwing gabi ko lang naman dapat basahin yan.

Totoo pero iyan ay ilan sa mga reasons ko minsan kung bakit di ko matapos tapos basahin Bible ko, nakakalungkot pero kung anong dapat bigyang pansin ay di natin pinapahalagan.  Pero sa kabila nito mas nagiging challenge sa akin na basahin ang buong Bible.

I just want to share this to you guys, I found this from Jarrid Wilson's blog site and this is cool sobrang simple at mukhang effective to study and read our Bible.

Studying Your Bible

Over the last few months I have had hundreds of you request a post on “How To Study The Bible.” Well, here it is. I pray this post blesses you, challenges you, and inspires you to take the initiative to deepen your relationship with God.
Below is the formula I use when studying and journaling through the scriptures. This doesn’t mean it’s the only way to study, but I do believe this formula is a great way to strengthen your foundation in Christ.
1. Uncover
1. Time/Date/Author
2. Place/Location
3. Audience (who is the text directed to?)
2. Relate
1. How does it affect me?
2. How does it make me feel?
3. In what ways do I share a similar experience?
3. Apply
1. What did I learn?
2. How can it be applied to my life?
3. What is God trying to tell me through this text?

Tuesday, January 22, 2013

Panginoon




PANGINOON

1st Stanza
Ako’y walang saysay, akala ko ako ay tunay
Pilit naglalakbay, ang aking buhay
Ngunit nag-iingay
Ang aking kahapon, paulit-ulit bumabalik
Nakikitang sarili, lumalangoy ngunit sa putik.

1st Refrain:
Ngunit iba ka, pano mo ko nakita..

Chorus:
Pinulot mo ako, nung akala kong ako’y nag-iisa,
Kulang ba ang tinig ko
Para awitan at purihin ka,
PANGINOON(3x)

2nd stanza
Ngayon alam ko na, ang ibig sabihin ng mabuhay
Ngayong kapiling ka, hinding hindi na mag-iisa
Dahil ikaw ang liwanag, sa gabi kapag ako’y tumatangis
At ikaw ang umaga, sa pagmulat ko’y nakangiti

2nd Refrain
Ako’y nasasabik, sa iyong pagbabalik..

Chorus:
Pinulot mo ako, nung akala kong ako’y nag-iisa,
Kulang ba ang tinig ko, para awitan at purihin ka
PANGINOON(3x)

BRIDGE:
Kulang ba kahit ibigay ko ang lahat
Maging ang buhay ko’y hindi pa sapat
Pero hayaan mong ibigay ko ang lahat
Nang ang puso ko sayo’y maging tapat oh…
PANGINOON

Chorus:
Pinulot mo ako, nung akala kong ako’y nag-iisa,
Kulang ba ang tinig ko, para awitan at purihin ka,
PANGINOON

Pinulot mo ako, nung akala kong ako’y nag-iisa,
kulang ba ang tinig ko, parasabihin kong mahal kita
PANGINOON(3x)

              Nung unang marinig ko ang kantang ito tumatak agad sa akin ang nilalaman ng kantang ito, sapul na sapul kung baga. PINULOT MO AKO, NUNG AKALA KONG AKO'Y NAG IISA. Akala natin walang nakakakita oh nag mamahal sa atin, yung tipong parang nakakahiya na sa Panginoon na bumalik pa tayo sa kanya dahil sa mga kasalanan na mga nagawa natin, pero nagkakamali ka, nag hihintay lang ang Panginoon sa atin para muli ka niyang  makapiling.






LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...