Monday, February 6, 2012

Sa Unang Pagkakataon

               Limang buwan ang lumipas madaming nangyari sa buhay ko na hindi ko inaasahan. Napadpad sa isang lugar na di ko inaasang mapupuntahan ko balang araw. Walang magagawa nandito na ako.

               Ang init, kahit ihip ng hangin napaka init, eto na nga at nandito na ako. Sinalubong ng isang lalaki na may bandana sa ulo na kulay pula at puti (checkered) kinuha ang isa sa pinaka mahalagang bagay sa buhay ko, wala akong magawa ni tumanggi hindi ko magawa kailangang sumunod sa kagustuhan niya binigay ko ang (passport) ko. 

              Sinundo kami ng isang sasakayan para dalhin sa pupuntahan namin, pumpwesto ako sa harapan dahil di pwedeng mag sama ang babae at lalaki. Nagtatanong ako sa sarili ko eto na ba yun at di makapaniwala sa mga nakikita, matataas na building, maliwanag at maayos ang highway at hindi mausok ang mga sasakyan, aba aba ok eto ha.

              Limang buwan ang lumipas madaming nangyari sa buhay ko na hindi ko inaasahan. Napadpad sa isang lugar na di ko inaasang mapupuntahan ko balang araw. Walang magagawa nandito na ako.

              Sa bawat araw na dumaan habang ako ay nandito sa ibang bansa lagi kong naiisip ang mga kasama ko sa trabaho ko sa Pilipinas isang grupo ng mga tao na totoo at masaya kasama, ang pamilya ko sa Pilipinas walang araw na di ko sila naalala. May mga gabi na basa ang unan ko dahil sa di ko mapigilang maalala ang mga mahal ko sa buhay.  Walang magawa kundi alalahanin nalang sila dahil balang araw muli ko silang makikita, pasasaan ba at matatapos din ito.

              Napakabilis ng mga araw at buwan ko dito ang takbo ng buhay ko dito trabaho---bahay---trabaho---bahay, pero minsan lumalabas din kasama ang pinsan ko.

              Madami pang bagay na pwedeng mangyari sa akin habang ako ay nandito walang makakapigil sa mga pangarap ko, lahat ng mga ninanais ko sa buhay ko inaalay ko sa pamilya ko at higit sa lahat sa Panginoon na syang gumagabay sa akin habang ako ay malayo sa mga mahal ko sa buhay.

               Limang buwan ang lumipas madaming nangyari sa buhay ko na hindi ko inaasahan. Napadpad sa isang lugar na di ko inaasang mapupuntahan ko balang araw. Walang magagawa nandito na ako.

               December 16 gumising ako ng ibang iba walang sumalubong sa akin at humalik at yumakap na kapamilya nakakalungkot walang babati sa akin sa unang pagkakataon ng Happy Birthday anak, Happy Birthday donzil, Happy Birthday apo, Happy Birthday zeb :'( unang karaawaan ko na hindi ko kasama ang buong pamilya ko, napakalungkot dahil sa araw na ito walang babati sa akin at hahalik na kapamilya ko :'( Walang magawa kundi alalahanin nalang sila dahil balang araw muli ko silang makikita, pasasaan ba at matatapos din ito.

with my cousin celebrating my birhday
              Ngunit nakipag kita ako sa pinsan ko para naman maramdaman ko kahit papaano na may kapamilya akong babati sa akin ng personal, tinwagan ko at pinilit ko na magkita kami ng pinsan ko, sapilitan na ito nyahahaha.

               December 24 Happy 35th Wedding Anniversary Mom and Dad Skype---Skype---Skype---ang tanging paraan upang 15mins lang ang tinagal ko sa unang pagkakataon para batiin sila sa kadahilanang ako ay may duty, diyan ko lang sila pwedeng mabati at makita, isang malungkot na bagay nanaman dahil ako naman ang hindi makakahalik at makakayakap ng personal sa kanila, ang aking magulang na nag pursige at nagpakatatag para maitaguyod kaming mga magkakapatid mga magulang na gagawin ang lahat para sa ikabubuti ng kanilang mga anak upang maibigay lamang ang mga pangangailangan ng isang anak na humihing ng isang bagay. (naiiyak ako seryoso) Mahal na mahal ko po kayo ng buong buo :'( Walang magawa kundi alalahanin nalang sila dahil balang araw muli ko silang makikita, pasasaan ba at matatapos din ito.

we just ordered a few foods to have a meal
the ER Staff that time
with my ER colleagues Malaysian and Indian staff was also celebrating with the pinoys :)
tumakas lang kami ng sandali sa area at nag celebrate ng Christmas sa Stock Room at Electric Room
              Decemebr 24 Unang pagkakataon na sinalubong ko ang pagpasok ng Christmas sa trabaho, sa bansang di nag didiwang ng kapaskuhan na tila ba'y normal na araw lang sakanila ang araw na ito, pero sa mga Pilipino isang malaking kasiyahan ito. Ang dati kong kasamang mag diwang ng kapaskuhan ay mga kamag anak ko, pero ngayon mga kasama ko sa trabaho.


              December 25 Dahil galing ako ng night duty nung December 24 natulog lang ako buong mag hapon dahil pagod sa duty, ang mga inaanak ko sa Pinas pinaubaya ko na muna sa aking mga magulong sila muna ang haharap sa mga inaanak ko pero syempre nagpadala ako ng pera para sa mga inaanak ko ;)


              December 31 Ayos hindi ako duty ngayon makakausap at makikita ko via Skype ang mga kamag anak at pamilya ko hindi ko naisip na mangyayari din ito sa akin na mag didiwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon sa pamamagitan ng Skype sa unang pagkakataon nangyari ito, naririnig ko ang putukan, tawanan at kwentuhan ng mga tao sa bahay namin sa Pinas, nakaka miss---nakaka miss--nakaka miss.  Walang magawa kundi alalahanin nalang sila dahil balang araw muli ko silang makikita, pasasaan ba at matatapos din ito.


my brothers and my one and only sister
me thinking and missing them
me smiling in times of being homesick
my crazy cousins and brotha
              January 1 Normal lang na araw sa mga tao dito ang araw na ito yung tipo bang parang wala lang :)) pero yung ibang lahi pati ilang Doctor bumabati ng Happy New Year ;) kung sabagay di naman bigdeal sa mga arabo ang new year. Pero sa ating mga pinoy nakupo big deal n big deal na big deal ang pagpasok ng bagong taon diba diba. Tayong mga Pinoy walang katulad ang selebrasyon natin ng Kapaskuhan at Bagong Taon. 

              Bagong Taon Bagong Buhay Bagong Pag-asa Bagong Karanasan na malayo sa pamilya sa unang pagkakataon.

              Limang buwan ang lumipas madaming nangyari sa buhay ko na hindi ko inaasahan. Napadpad sa isang lugar na di ko inaasang mapupuntahan ko balang araw. Walang magagawa nandito na ako.


Praise be to God and God Father of our Lord Jesus Christ, the Father of compassion and the God of all comfort, who comforts us in all our troubles, so that we can comfort those in any trouble with the comfort we ourselves have received from God. 
2 Corinthians 1:3-4

1 comment:

  1. "walang makakapigil sa mga pangarap ko, lahat ng mga ninanais ko sa buhay ko inaalay ko sa pamilya ko at higit sa lahat sa Panginoon na syang gumagabay sa akin"

    ang tagal mo ngang nawala pati dito sa blog. nakaka-uplift yung bg music.

    Happy belated happy bday kuya Zeb. Sabi mo nga papasaan ba't lilipas din yan. God is with you. Alam ko matatag ang faith mo. Kaya mo yan! Basta lagi ka lang magsulat, para mailabas mo ang lungkot mo.

    ReplyDelete

Speak Your Mind.. Let it Out!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...