Tuesday, January 4, 2011

Paload Nga..

Kadarating ko lang galing sa isang Hospital, sa kadahilanang nag refer kami ng pasyente na manganganak na. Susme akala ko aabutan na siyang manganak sa Ambulansya, ok lang nasa Ambulansya naman kami hindi tulad ng dati na sa tricycle nanganak ang isang pasyente (ako ang nagpaanak dun sa misis na nasa tricycle saka na ang kwento ito muna).

Dali dali kaming pumasok sa ER kasi bago kami nag refer ng pasyente may iniwan kaming pancit na mainit init pa para sa break time at malamig na Cola Coka, pag pasok ko sa ER ng Clinic namin dali daling tumapat sa aircon at nag palamig ang init kasi sa labas . (yan din  ang laging eksena ng mga kasama kong narses hayuk na hayuk sa lamig.) hay sarap sa pakiramdam heaven bro!

....tooooooot.... (1 mensaheng natanggap.. tagalog mode ang language ng celepono ko, naka beep once lang ang 1100 kong celepono), di ako palabasa ng mga teks message,  bubuksan ko  lang ang text at konting overview ng kung anong mensahe ang natanggap ko at ilalagay na sa bulsa agad, (kasi sa gabi ko nag babasa ng mga teks message pag nakahiga na ako sa malambot kong kama mas feel ko kasi yun). Ng basahin ko ang natanggap kong mensahe galing sa isang klasmeyt sa kolehiyo eto ang bumungad sa akin..................


"Zeb Condolence ah"
             -- Joahana

HA? ano daw? ano ito? hala ka! yan ang mga namutawing tanong sa utak kong may sapot ng gagamba.

Seksing Nurse: Bakit kuya anong tinext nya, tanong ng kasama kong seksing nars, hala sino daw kuya..
Zeb: Ewan ko din, edi sana may nag text na sa akin ng balita bago pa ang klasmeyt ko.
Seksing Nurse: Edi itanong mo kung sino.
Zeb: Wala akong Load..
Zeb: Pero teka check ko muna facebook baka may message ako dun o kahit auman patungkol sa natanggap kong txt. (dalawa celepono ko yung isa dun ako nag iinternet nag ba-blog hoping at twitter nyahaha)
Zeb: Seksing Nurse pa txt nga papaload lang ako.
Zeb: Tita Paload Nga po dito sa no.ko 0917.......

 ....tooooooot.... (1 mensaheng nataggap) eto na yung load ko.

Zeb: Gud pm Jo ano yung tinext mo sakin?
Jo: Ay sorry zeb WRONG SEND ako, pasensiya na. :)
Jo: kay zen ko isesend yun namali ako ng hanap sa phonebook ko pasensya ulit :)
Zeb: Ah ok, akala ko naman kung sino na yung tinutukoy mo. Sige ok lang. Ingat, God Bless :)

***LECHEEEEEEE bro akala ko kung ano ng nangyari sa pamilya ko o sa kahit kanino man sa mga relatives ko ng dahil sa teks na iyon.
***Ng dahil sa teks na yan na paload ako ng di oras, to tell you honestly people of the bloggers HINDI ako madalas mag load, di kasi ako mahilig mag teks o gumamit ng celepono.
***Ginagamit ko lang ang celepono ka pang internet (kahit kasi walang load eh nakakapag internet ako for free) nyahaha)
***Nag loload lang ako pag aalis ako ng malayuan.
***Minsan na eexpire pa laod ko. kaya di kumikita sakin si Globe nyahahaha
***Narealize ko din na pag pamilya na ang involve gagawa ka ng paraan para malaman ang kalagay nila :)

16 comments:

  1. family matters talga! una sa lahat!

    ReplyDelete
  2. hahaha... epic fail na wrong send pa.. buti nalang at di pa naluwal ang bata habang nagtext yun... ahhaha

    ReplyDelete
  3. kala ko naman kung napaano na yung pamilya mo. at least you're all ok :) God bless :)

    ReplyDelete
  4. madalas mangyari sa akin yan, dahil letter A ng start ang name ko, madalas akong ma rcv ng wrong wrong message, minsan nga boss kung lalake sa pinas ng I I love you sa akin,kala ko sa akin wrong send pala,buwahahaha

    ReplyDelete
  5. naku iwasan ma wrongsend.. yan ang aral...

    ReplyDelete
  6. dear zeb,
    ganda blog mo. how do i put pictures in my blog as well. sali mo naman ako blogroll mo. sikat ako. i get threats from people who i write about hehehe.
    thanks.

    ReplyDelete
  7. tama, famly matters the most than any other business :)

    ReplyDelete
  8. Sana nagreply ka ng "Same to you." :)

    ReplyDelete
  9. Grabe naman! Nakakakaba yun ha. Kung ako yun, mababaliw ako kaagad. :p

    ReplyDelete
  10. Nakupo! kung ako makatanggap ng message na yan... baka umiyak na ako.

    Buti naman wrong send lang. :) Nagpaload ka tuloy. :D

    ReplyDelete
  11. kinabahan naman ako. fyooh. dami ng instances ng ganyang wrong send... buti na lang wrong send :)

    ReplyDelete
  12. sana naman nag text siya ulit na wrong send.. grabehan.. kahit ako kakabahan pag ganun...

    ReplyDelete
  13. @uno
    Tama ka dyan! Family really matters.

    @KikomaxXx
    sobrang epic fail,.... baka di ko alam gagawin ko kung magsabay ang dalawa nyahaha (death/birth) nyahaha

    @Bino
    Thank's God we are all OK!

    @Adang
    tama prone ka sa wrong send thing! A ba naman first letter ng name mo eh.

    sayang yung I LOVE YOU na yun ha nyahaha :)

    @ISTAMBAY
    mismo bro!

    @efd
    thanks for the compliment, done adding your link bro! YM me if you want to know something, mahirap dito sa comment box.. God Bless :)

    @T.R.Aurelius
    apir nga tayo dyan bro. :)

    @salbehe
    lintyak di ko na isip yun ha! sige next time na may ma wrong send IDOL susundin ko yung advice mo :))

    @Will
    Grabe talaga bro!

    @empi
    oo nga napaload bigla ayun expired na load ko now! nyahaha

    @Nowitzki Tramonto
    Buti na lanag talaga WRONG SEND!

    @Kamila
    yung nga adik ata yun di man lang nag text na wrong send siya ako pa ang nag tanong kung bakit. adik ata yun nyahahaha

    ReplyDelete
  14. naku, yan ang pinaka-ayaw kong mabasang text message.

    ReplyDelete
  15. hahaha, fail nga. sa lahat ng mga messages na pede mawrong send, yun pa! :P

    ReplyDelete
  16. @Kraehe
    kahit ako ayaw ko din yan yay!

    @yoshke
    dilang fail, epic fail pa nyahahaha!

    ReplyDelete

Speak Your Mind.. Let it Out!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...