Alas dos ng madaling araw, hindi makatulog ang inyong lingkod sa kadahilang may dinaramdam siya 3 araw ng inaapoy ng lagnat si zeb. Sa pagkakataong iyon kailangan ng matulog para makabawi ng lakas,makapag pahinga at kinabukasan ay araw nanaman ng trabaho, oo kailangan din kumayod at magbanat ng buto ni zeb para naman may pang tustos siya sa mga pangagailangan nya sa buhay.
Pinatay na ang ilaw sa loob ng kwarto, binuksan ang lamp shade para may liwanag parin na natatanaw. Ang sarap sa pakiramdam ang unti unting paglapat ng likod ni zeb sa kanyang malambot na kama. Aminin mo bro walang ibang kasing sarap ang paghiga sa sarili mong higaan lalo't pagod na pagod ang iyong katawang lupa.
Lumipas ang ilang minuto, paiba iba ng posisyun sa higaan hinahanap ang tamang pwesto para mahimbing ang tulog, lumipas ang isang oras...ikalawang oras...ikatlong oras... Lintyak yan gising na gising parin ang diwa ni zeb.hay buhay.
Kailangan pakalmahin ko ang magulong utak ko 'peace of mind' kumbaga... Hayun sa wakas nadale sa focus! Dis is it! Dis is it! Makakatulog na din ako sa wakas.
tak...tak...tak...tak...tak...tak... Leche ang gripo sa CR di na isarang
mabuti.tak....tak....tak...tak...tak...tak....tatayo ba ako para isarang mabuti ang gripo o papabayan ko nalang.
Patuloy ang pagpatak ng tubig sa gripo hanggang sa naging malumanay na sa aking pandinig ang patak ng tubig sa gripo na kanina lamang ay nakakairita sa pandinig na parang lamok na paikot ikot sa tenga.
Posibleng sa mga inaakala nating mga bagay na nakakairita sa atin ay magbibigay pala ng kahinahunan sa ating pag-iisip.
oo nga minsan mas makakatulog pa ako pag may naiireta akong tunog na naririnig... keysa sa nakakabinging katahimikan...
ReplyDeleteget well soon. :) ganyan din ako. kahit simpleng bulungan naiirita ako lalo na pag hirap ako'ng makatulog. hehehe
ReplyDeletepagaling ka bro.., buti ako sanay sa ingay, kahit anong ingay pauan basta inantok tulog,,:)
ReplyDeleteget well soon po. hehe. i always have a book by my bed to help me in my insomnia. it proves to be of help nman. natutuon din kasi dun sa binabasa ko yung lumilipad kong isipan :)
ReplyDeletePagaling ka Zeb!
ReplyDeletepagaling parekoy, tapos buksan mo pa ng maige ung gripo para mas lumakas ung tunog at mas marami kang peace of mind :D
ReplyDeleteayun o, ung huling part ng entry na ito, nandun ang meaning nun parekoy eh. alaman na parekoy ahahaha... happy new year
ReplyDeleteNgayon lang ako nakapagbasa dito ng walang "Diyos", "God", "wisdom" at kung ano pang anek anek. Very very nice post.
ReplyDeleteKung insomia yan, may chinese herbal medicine sa lower ground ng megamall na super effective.
May sakit ka ZEB...? pagaling ka.... may work ka pa..? Grabe kakayanin ba yan... Sana okay ka na sa work mo..
ReplyDeletedati.. nakakatulog ako kahit nakikinig ng radio... hmmm.. nakakairita ba yun.. pero okay lang na hiindi pa ako nakakatulog tapos guluhin ako.. pero yung tulog na tulog at hindi pa kumpleto tulog ko.. mababadtrip lang ako... ayuko ng mga bulabog sa umaga.
x) wala lang wala lang wala lang
Syaks magcocomment sana ako sa post mo kaso mas nanaig sa akin ang comment ni salbehe... ahahahhahahaha... salbehe talaga! lol...
ReplyDelete@KikomaxXx
ReplyDeletepag sobrang tahimik kasi kung ano anong pumapasaok sa isip natin nyahahaha :)
@arvin bautista
asar yung ganun noh!
@Adang
ok ha mukhang masandal tulog ka ha nice!
@Nowitzki Tramonto
same tayo pare i also have my book beside or in the top of my pillow, i read before sleeping most of the time :)
@empi
magaling na bro! :)
@Lord CM
nice idea the more na maraming tubig ang nag fo-flow the more nga namang peace of mind... more water bill din pare ayun nawala nanaman ang peace of mind dahil sa bill nyahaha :)
@ISTAMBAY
salamat sa pag istambay pare :)
@salbehe
astig ka talag sa mga banat mo IDOL, ang taba din ng utak mo nag mamantika pa nyahaha :)
kamusta naman yung "chinese herbal medicine sa lower ground ng megamall na super effective." at may location pa ha IDOL nanaman!
@Kamila
biruin mo na ang lasing wag lang ang kulang sa tulog nyahahaha :)
@Xprosaic
kahit ako natawa sa hirit ni salbehe IDOL ko yan! :)