Monday, January 10, 2011

Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan. Bob Ong.





Pagkatapos ng ABNKKBSNPLAKO, Bakit Baligtad Magbasa ang Mga Pilipino, Alamat ng Gubat,Ang Paboritong Libro Ni Hudas,Stainless Longganisa, MacArthur at Kapitan Sino.  Mukhang nakuha nga ni Bob Ong ang kiliti, interes, atensyon, at hilig ng mga masusugid niyang mambabasa, oo isa na ako dun lahat ng aklat niya nabasa ko na. 

Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan ang pinaka latest niyang aklat na makikita mo sa mga bookstore at sa suki mong tindahan sa kanto nyahaha.  Nalaman ko lang na may bago na pala siyang aklat ng minsang mag exchange gift kami sa clinic at ang bagong librong iyun nga ang natanggap ni Seksing Nurse.  Ng makita ko iyon ako agad ang nag prisinta na susunod na sa babasa sa aklat.


Bob Ong’s first ever horror will also be the first ever Filipino book to have a nationwide simultaneous release. It’s also the author’s first first-person narrative in fiction and Visprint’s first use of creambook paper in its publications. Lots of firsts here. Be first yourself as you witness history this Bonifacio Day 2010! – visprintpub.blogspot.com


huwag mong bibigkasin ang hindi... 

Ha ano daw? Bakit? Ah alam ko na... Siguro... Kasi... Baka... ang dami agad pumasok sa isip namin kung ano ang ibig sabihin ni BO sa kanyang paunang salita..

Pamilyar ka ba sa Journal? dito inilahad kung paano naging bahagi ng buhay ni Galo ang pag jo-journal. Kahit ako nakapag journal na nung Elementary at HS pa ako. 

Nakapaloob sa journal ni Galo ang mga nangyayari sa kanyang buhay lahat ng hinaing niya sa buhay, problema sa tinitirahan, problema sa pera, frustrations at  buhay pag ibig na nawasak.  At sa kabila ng kanyang pag sulat sa kanyang journal ay ni minsan ay mukhang hindi binabasa ng kanyang professor ang kanyang mga gawa! Bad trip!

Si Galo ay isang college student na nagmula sa probinsiya at nag aral sa Maynila, hindi buo ang pamilya at nakikitira sa kanyang Tiyahin sa Maynila na medyo hawig sa ilan sa mga mamayan natin na wasak ang pamilya at nakikitira lang sa mga kamag-anak.

Sabi ng iba nakakabagot o nakakainip daw ang ibang parte ng aklat, pero para saakin  honestly HINDI, hindi ako nabagot, nainip o nawalan ng gana habang binabasa ko ang aklat ni BO kahit sa mga unang pahina palang ang nababasako. 

Halos kalahatian na ng libro wala paring MAMA SUSAN na ipinapakilala at asan ang tinutukoy na MGA KAIBIGAN NI MAMA SUSAN

Umuwi pabalik ng probinsya si Galo sa kadahilanang may dinaramdam ang kanyang LOLA. Ng makarating si  Galo sa probinsya halatang manghang mangha siya sa mga nakita nya sa bahay na kung saan halatang na preserve ng mabuti ang bahay kahit luma na maliban sa mangilan ngilan na mahirap ng ibalik sa dating anyo. 

Nasaksihan ni Galo ang mga kakaiba at wirdong pangyayari sa loob ng bahay ni LOLA, mula sa mga pigurang nakakataas ng balahibo, ingay o tunog na kung saan nanggagaling, at MGA KAIBIGAN na hindi maipaliwanag ang mga ginagawa nilang kakaibang ritwal. 

Asan si MAMA SUSAN? SINO SI LOLA? SINO ang MGA KAIBIGAN NA TINTUKOY? Ano ang ibig sabihin ng mga katagang....

huwag mong bibigkasin ang hindi...

Ayaw kong maging spoiler sa mga hindi pa nakakabasa, pero mukhang  may pag ka spoiler ang post kong ito sorry mga bro.  Sa palagay ko kung susuriin ito ng aking utak na puro sapot ng gagamba, horror-suspense, horro-fiction, creepy ang book bro, ipinakita dito ang ilang aspeto ng buhay natin mula sa relihiyon, gobyerno at pananaw sa buhay. 

39 comments:

  1. may koleksyon din ako ng mga libro ni Bob Ong at bilib ako sa galing niyang magsulat.. kailangan talaga ng matinding lalim ng pag-iisip para maunawaan ang kanyang mensaheng nais iparating..

    ReplyDelete
  2. maraming magaganda at malalaman ng panahayag si bob ong ...

    ang problema hindipa ako nakapagbasa ng buong aklat nya... i dunno...nawawalan aksi ako ng interes pag commercialized ung book hahhaha kasi uso nagun sa messaging ung forwarded message from authors eh...hahaha

    ReplyDelete
  3. Marami akong mga kaibigan na hindi natuwa sa librong ito. Di ko alam kung bakit, pero babasahin ko pa rin to.

    ReplyDelete
  4. i have a friend gusto2ng gusto niya ng bob ong books, kaso inis ako sa taong yun, hehehe, try ko nga rin magbasa nyan, medyo hirap kase aking magbasa ng tagalog eh, hehe

    ReplyDelete
  5. i guess kaya hindi sila natuwa sa latest ay dahil journal style ang librong ito. and siguro nakulong na ang persona ni bob ong na kalog, humorous etc. kaya medyo iba ang kwentong kanyang isinulat. ganunpaman, para sa akin, nagusuthan ko ang librong to. kinilabutan ako sa ending eh

    ReplyDelete
  6. late na late na ko sa mga releases ni bob ong!!!! sana may magregalo saken ng mga books!! (nagparinig pa? hahaha)

    am sure maganda yan, ang ganda ng trailer!

    ReplyDelete
  7. ako din may koleksyon ako pero sa kasamaang palad dalawa nalang ang natira.. huhuhyu/... i cant wait to have this na...

    ReplyDelete
  8. Isa lang nabasa kong libro ni Bob Ong (ABNKKBSNPLAKO). OK naman.

    ReplyDelete
  9. sa totoo lang hindi ako natuwa sa librong ito.. eh kase nakakatakot.. hahaha at saka kase nung panahong nabasa ko to, medyo o sige na nga scratch na ang medyo.. talagang nasa kababaan ang level ng understanding ko. kaya may mga parte ng libro na talagang hindi ko maintindihan. uulitin ko ulit tong basahin kapag may lakas na ko ng loob, matatakutin kase talaga ako eh

    ReplyDelete
  10. marami na rin akong nabasa na books ni Bob Ong :) ahehe. na-excite naman ako dito. hmmm. makabili nga :) mukhang alam ko na kung sino yung mga kaibigan ni mama susan...

    ReplyDelete
  11. tama ka parekoy, dapat nilagyan mo ng spoiler alert hahaha...

    may libro na ko nyan pero hindi ko pa nababasa, nawala sa ibabaw ng drawer sa kwarto, anak ng tipaklong, nagtxt si pamangkin, nasa kanya daw, hiram daw nya sakin.. hindi ko pa nababasa un... sarap kutusan ng talong sunod sunod eh hahaha

    curious tuloy ang tambay parekoy

    ReplyDelete
  12. Do You want Ex'Link?..Please come to my site and enjoy there...Thx

    ReplyDelete
  13. di nako fan masyado ni bob ong. feeling ko tapos na yung panahon niya. mas marami pang blogger sa tingin ko ang mas mahusay na magsulat kesa kanya.

    opinyon lang po. :)

    ReplyDelete
  14. At buti na lang medjo naguluhan ako sa mga linya na yun at hindi ko binasa... WAAAAAAAAAhhh bakit biolet??? jejemon na ba si bob ong!!! WAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH.. excited much

    ReplyDelete
  15. gusto ko din yan...kumpleto ako ng libro ni BobOng, yan yung latest right?

    ReplyDelete
  16. bob ong is a great pilipino writer that should be proud of. his writing are very spectacular and it really inspired lot of young people. go bob ong!

    ReplyDelete
  17. anu ibig sabihin Bob Ong nung dasal sa latin? I translate it pero parang jumbled parin....

    ReplyDelete
  18. maganda para sa kin...anu kaya yung susunod na book nun??? "ang mga kaibigan ni Papa Galo"

    ReplyDelete
  19. My fave so far are ABNKKBSNPLAKO?! and Kapitan Sino. I really enjoyed them. Bakit Baligtad Magbasa ang Mga Pilipino is a Filipino Psychology class fixture, but I wasn't paying attention back then about the author's name and his other works. I first got hold of ABNKKBSNPLAKO?! from my seminarian cousin and couldn't put it down. Bob Ong is no genius but his works are eye-openers that teach us to get rid of our bad FILIPINOISMS.

    And thanks for the spoiler. It leaves mystery. I'll go buy one. =)

    ReplyDelete
  20. uhm, nabasa ko na eto.. pero, hanggang ngaun ay nagmumuni muni pa rin ako kung ano ba talaga ang gusto niang ipahiwatig sa "Ang mga kaibigan ni Mama Susan"....

    ReplyDelete
  21. ......ung unang part ng book is kinda boring..pero yung climax is at the end part..yung tipong ayaw mo ng basahin kasi super nakakatakot talaga...

    ReplyDelete
  22. the best ka bob ong!!!!

    ReplyDelete
  23. tama iba talaga ang galing ni bob ong... kakaiba... natakot ako dun sa last part... hehehehe....

    ReplyDelete
  24. w8..d ko naintindihan ung last part..ano ung ibig sbhn sa ending?

    ReplyDelete
  25. grabehhh..na curious talaga ako sa latest book ni BO ...mmm...totoo ba ang journal na yun?may traslation na bah ang latin prayers na andun??

    ReplyDelete
  26. i'm an avid fan of bob ong. superr idol ko tlga sya. hmm, sa lahat ng nbasa kong libro , itong latest nya yun pinaka.kakaiba, weird and creepy. hindi ksi ako sanay na ganito yung style nya ng pagkukwento, mostly kc sa mga libro nya, mdyo sarcastic yung dating . hmm, hindi ko po naintindihan yung ending ng book na to, pra kasing hindi na sya (GALO) yung sumusulat ng journal . nkakatakot ! actually binabasa ko ulit yung libro for the 3rd time para mas maintindihan ko.

    ReplyDelete
  27. Madaming hindi natuwa sa libro na ito dahil marami parng pinoy na nagpapa-iral ng kaBOBOhan. TANG INA NIO LAHAT! mga PAKERS!

    ReplyDelete
  28. latin ba yung nakasulat dun sa last part ng libro mo?? at anu nman ibig sabihin nun??

    ReplyDelete
  29. ang ganda ng librong un.. promise.. ung ex ko binigay nia lhat ng collection nia skin ung book ng bob ong bgo kmi mg break.. khapon ko lng nabsa ung "ang mga kaibigan ni mama susan" kalahati plng nababasa ko ang ganda na.. kaya lng kinuha n nga tropa ko ung book. bitin tuloy.. maganda un promise.. try nio din basahin.. :)

    ReplyDelete
  30. grabe ang cool ng trailer nabasa ko rin yan sa mga bookstores kaya lang hindi pa ako na kakabili sana nga makabili ako e hindi ko pa kumpleto yung mga libro nya pero someday sana makumpleto ko na

    ReplyDelete
  31. mga 2 hours ago kakatapos ko lang basahin ng " ang mga kaibigan ni mama susan"..at nabasa ko din lahat ng mga books nya...unlike ng mga dating books nya,,medyo siryoso to...maganda yung gustong iparating ni bob ong sa book nya..medyo ang weird nga lang ng mga latin na dasal hahaha....

    ReplyDelete
  32. sabi nila nkakatakot daw toh .. mkabili nga .. tas ung back cover ng book .. ewan ko ba anu meron dun ..

    ReplyDelete
  33. i have all of BO's books. Honestly, ako tinamad basahin yang huli. haha...

    Ewan. Nung sinimulan ko magbasa, nabagot ako, tapos after 3days pa ata bago ko tinuloy pagbabasa...

    AYUN, di ko nagets. wahaha. :P

    ReplyDelete
  34. nainlove ako sa character sa book haha kaya lang natakot ako sa latin na dasal >.<

    ReplyDelete
  35. hmmp mga librong nasusulat ni bob ong,,.. maganda, minsan magagawa nitong ibahin ang pananaw ng isang taong nakabasa nito, pananaw sa buhay at minsan pati paguugali.

    ReplyDelete
  36. collection q nah ang book ni bob ong,super ganda kc,naka2tawa hahah

    ReplyDelete
  37. hope nah mag gawa let xia nan new book.tnx more blessing xau bob ong

    ReplyDelete

Speak Your Mind.. Let it Out!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...