Mga lola/lolo/nanay/tatay/inang/apong pila lang po. Tatawagin na lang po namin mga numero nyo!
Grabe ang eksena kahapon sa clinic namin, ang daming mga Senior Citizen dahil schedule ng bakuna nila Kontra AH1N1. Humigit 200 Senior Citizen ang aming binakunahan. Dahil sa LIBRE ang bakuna alam mo na ang susunod na eksena..DADAGSAIN ka ng pagkadami daming gustong makatikikim ng LIBRE (Pilipino nga naman) nyahahaha.
Iba't-ibang ugali at pangyayari ang mga nasaksihan naming mga nars sa mga Thunders na magpapabakuna.
Tahimik- nakaupo lang sa isang tabi at naghihintay na tawagin ang numero.
Madaldal- lintyak halata mong noong kabataan niya eh star siya ng klasrum.
Masungit- aba aba ng iirap sa kapwa niya Thunders (natawa ako dito kasi ang iniirapan niya ay yung Thunders na katabi niyang madaldal nyahahah)
Atat- Halos 60% ata ng mga Thunders hala LAHAT GUSTONG MAUNA! Wala silang pakialam kung anong numero ang nakasulat at ibinigay sakinala.
Ambisyosa- nag tatanong kung meron daw kaming pang inject na pampabata at pang paganda hala ka akala ata eh VIKI BILO at KALAYAN ang pinsukan niya. nyahaha
Expired- ang drama naman ni Inang gusto daw niya yung pampadali ng buhay. Wasted na ata si Inang nyahaha
HighBlood- ayun halos 20% ata ng mag nagpapainject saamin eh matatas ang BP.
War Freak- eto naman yung tipong ayaw ng nalalamangan pero siya mismo ang nanlalamang sa kapwa IDOL si inang!
Pulbos Queen- imperness hindi sila amoy lupa, amoy JUNSON and JUNSON baby powder sila, kuntodo pulbos ang leeg, batok at mukha (good hygiene apir!)
Lipstick Queen- aba aba aba di parin kumukupas ang mga labi ng mga lola, lalo na at mga pulang pula ang mga lipistik kahit yung iba medyo lagpas lagpas na sa labi nila ang nilagay nilang lipistik.nyahaha
Mali-Mali- pag ginulat mo sobra sila kung magulat, sasabihin din kung ano ang sinabi mo nakakatuwa sila :)
Kwentodo- Sobra sobra kung mgakwento ng kanilang buhay with matching teary eyes pa :)
Maginoo- mga bro ipagmalaki natin ito halos lahat ng mga LOLO na nakita namin kahapon mga MAGINOO seryoso, nag paparaya at matulungin sa kapwa Thunders. HIGH FIVE mga LOLO! naks ;)
Lahat naman tayo o ilan sa atin mapapagdaanan ang pag tanda, ang importante naman kahit bata ka o matanda kailangan natin mag bigay respeto sa mga taong nakakasalamuha natin, God wants us to care for, respect, honor, and value the elderly (including and especially our parents). We should show respect to and value everyone, regardless of age and status.
“Rise in the presence of the aged, show respect for the elderly and revere your God. I am the Lord.” Leviticus 19:32 (NIV)
“Listen to your father, who gave you life, and do not despise your mother when she is old.”
Proverbs 23:22(ESV)
ayun dumale sa huli si parekoy.. idol na kita. gusto ko un huling part, ung aral. ke bata o matanda, ang pinakamabuti natin magagawa ay respeto ay paggalang.
ReplyDeletemaawain ako sa matatanda parekoy, ke masama man o mabuti ang kanilang naging buhay noon, hindi na importante yon. Unawa at respeto lang, sapat na sa kanila. (baka mabapahaba parekoy hehehe)
hay naranasan ko din yan, sa dental mission naman, daming tao, bata, matanda. nakakapagod pero ok lang.
ReplyDeleteyou're right, we should respect people. you get what you give.
i too have the hearts for the elderly. sila ang mas masarap kausap. malaman ang mga sinasabi.
ReplyDeletegawain ko din ang magmasid (at tumitig) sa mga matatandang nakikita ko sa paligid. at malimit, dinedescribe ko sila sa isip ko.
sana pagtumanda ako, hindi ako makabilang sa madaldal at war freak category! lol
“Rise in the presence of the aged, show respect for the elderly and revere your God. I am the Lord.” Leviticus 19:32 (NIV)
AMEN :)
Nyahahaha... gustong gusto ko ang pag ka-emo ng mga expired.... bakit sila ganun... hahahahah!
ReplyDeleteweee.. ang saya... ang sarap naman subukan ganyang trabaho
ReplyDeleteNaiisip ko tuloy parents ko.. lol.. nagiging makulit na rin kasi sila.. alam mo na.. hehehe.. ung tipong paulit ulit.. sana mahabaan ko pasensya ko, after all, parents ko sila at dun din ako hahantong diba.
ReplyDeletepero nakakatuwa tlga ang mga matatanda. i suddenly missed my lolo and lola.
natatakot tuloy ako pag tumanda ako baka maging isa ako sa mga yan lol
ReplyDeleteiniisip ko na ngayon pa lang kung ano ang magiging ugali ko pagtanda ko, haha
ReplyDelete:D
meron pa rin bang tinatamaan ng H1N1? pero mabuti na rin yun na may bakuna, lalo na ang mga eldersss.
ReplyDeletemabuhay ang mga senior citizens!
oh, that was funny.. meaningful life you got there!
ReplyDeleteHigh five sa mga magiginoong Lolo!
ReplyDelete@ISTAMBAY
ReplyDeletemismo bro respeto talaga. pareho tayo maawain din sa mga matatanda :)
gusto ko yung UNAWA AT RESPETO mo apir nga dyan! :)
@kringles
masarap at masaya nga ang sumama sa mga Medical Mission, so fulfilling at the end of the day.
thanks for dropping by :)
@rainbow box
nakakatuwa silang pagmasdan pero nakaka habag din sila pag matagal mo ng tinitignan noh.
“Rise in the presence of the aged, show respect for the elderly and revere your God. I am the Lord.” Leviticus 19:32 (NIV) -- AMEN ulit! :)
@Kamila
nakakainggit ba ang mga expired? mukhang nahawaan na sila ng ka-emohan sa mundo nyahahaha :)
@KikomaxXx
masaya talaga at fulfilling bro :)
@Nielz
minsan nga medyo makulit na parents natin pero wala yung sa ginwa nila satin nung mga bata tayo :)
God Bless you bro!
@Bino
nakakatakot pag lahat yan ang nakuha mong ugali bro nyahaha :)
@T.R.Aurelius
may naisip ka na ba bro?
@klomster
meron parin klom. kaya naman binabakunahan namin ang mga SC kasi prone sila sa mga diseases dahil sa katandaan nila :)
mabuhay ang mga senior citizens! MABUIHAY!
@kimmy
meaningful and blessed :)
@salbehe
high five talaga with matching (awhooo awhooo awhooo) nyahahaha :))
enjoy naman to. my heart has always been attached to the oldies :) masarap talaga makipag-mingle sa kanila. feeling ko haseh eh nababahiran ako ng pagiging wais nila sa buhay.
ReplyDelete